Kakaibang pulis (1)
September 14, 2004 | 12:00am
LABING-WALONG taon na sa serbisyo si SPO2 Octavio Rivero. Kakaiba siyang pulis: Hindi ma-ere o bondat, simplet tahimik lang. Pero matapang; siya lang ang natira sa unit ng regional Special Action Force na napasabak sa mga rebeldeng sundalo sa Legazpi airport nung 1990. Tinitingala siya ng mga kasamahan sa Legazpi police; tawag nila sa kanya, "ang pulis na di-masusuhulan."
Nung 2002 hinirang si Rivero ng PNP na isa sa Ten Oustanding Policemen, at prinemyuhan ng P20,000. Imbes na ipam-blowout ang pera, nilaan niya sa scholarship ng 10 batang-kalye.
"Bakit mo sa kanila binigay, imbes na sa pamilya mo?" tanong ko kay Rivero sa radio show, Sapol ni Jarius Bondoc (Sabado, 8 a.m., DWIZ 882-AM). Kahanga-hanga ang sagot niya: "Kasi hindi ko naman inaasahan na magkapremyo ng P20,000. Dati ko nang tinutulungan ang street children. Ayoko silang lumaking lumalabag sa batas. Nung nabalitaan ng Rotary Club na may search for outstanding policemen, inudyukan nila akong mag-submit ng service record. Ayoko nung una dahil nahihiya ako, pero pinilit nila ako. Sa di-inaasahang palad, napili ako. Tama na sa akin ang tropeo, sa mga batang-lansangan na lang yung pera.
Tinuturing ni Rivero na pinaka-malaking accomplishment ang paglapit ng street children sa pulis. Naipakita niya sa kanila na kakampi nila ang pulis. Naipakita rin niya sa mga kapwa-pulis na hindi lang pagta-traffic o pagtugis sa kriminal ang trabaho nila, kundi pati pagtulong sa komunidad, lalo na sa mga batang napabayaan ng mga magulang.
Isa si Rivero sa nanalo ngayong 2004 sa Metrobank Foundation Search for Outstanding Policemen of the Philippines. Hindi lang P20,000 ang premyo ngayon, kundi P100,000 tumataginting. Hindi ko na tinanong si Rivero kung saan niya gagastahin ang pera. Meron siyang asawa at dalawang anak. Pero tiyak ko, maglalaan na naman siya para sa scholarship ng iba pang batang-kalye. "Nais kong ipabatid sa mga anak ko na marangal na propesyon ang pagpu-pulis," bulong ni Rivero. "Hindi nila ako ikahihiya."
Kakaibang klaseng pulis si Rivero. Sanay dumami ang lahi niya.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am