BUMUO SI CHIEF ZUÑO NG THREE (3) MAN PANEL UPANG AGARANG RESOLUSYUNAN ANG REKLAMONG INIHAIN LABAN SA NABANGGIT NA PUNONG BAYAN.
Ang three man panel ay pinamumunuan ni Prosecutor Sebastian Coponong, Jr., at ang dalawa pang miembro nito ay si Anjanette N, De-Leon-Ortile at Mariette R. Balagtas.
Ang desisyong bumuo ng three man panel para mag-imbestiga nito ay sa kadahilanang nagbitiw si Prosecutor Lagrimas Agaran, dating may hawak ng Preliminary Investigation nito. Nagpahayag na mag-iinhibit itong si Prosecutor Agaran matapos makatanggap ng batikos sa media dahil sa tagal ng Preliminary Investigation ng reklamo.
"Yes, Prosecutor Agaran has inhibited from this case and I have tasked a three man panel to do the investigation. I have also instructed them to speed up the resolution of this case," pahayag ni Chief Zuño.
SPEED UP THE RESOLUTION OF THIS CASE IS THE ORDER OF THE DAY.
Bakit naman hindi! Unang naghain ng reklamo ang bata nung Enero 28, 2004 pa. September na tayo ngayon. This case has dragged on for quite sometime. Yung bata walong buwan na nasa Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Marillac Hills, Alabang, Muntinlupa.
Kung matatandaan ninyo na binatikos ko si Prosecutor Agaran kung bakit pumayag na mareset ang mga hearing naitinakda at nilaban hanggang matapos ang eleksyon. This was a clear case of accommodation because at that time, respondent Morales was seeking reelection for his Mayoralty post in the Municipality of Sta. Cruz.
Tapos, may gana pa itong magbalat sibuyas, mag-iiyak dahil nabatikos ng media. Be it as it may, the task now lies on the shoulders of these people now handling the Preliminary Investigation of this complaint. Prosecutors Caponong, Balagtas and Ortile. Nasa inyong mga kamay ang direksyon na patutunguhan ng complaint na ito.
THE COMPLAINANT HAS SUFFERD ENOUGH.
Nagsampa ito ng kaso sa Prosecutors office ng Quezon City laban sa sariling ina dahil sa diumanoy pamemeke ng kanyang pirma sa isang dokumentong isinumite sa DSWD kung saan may salaysay ang complainant na pinirmahan na nagsasaad:
Nakatanggap ang DSWD sa pamamagitan ni Mrs. Angelina Vidar, pinuno ng Marillac Hills, ng isang sulat mula kay Police Chief Inspector Sotera P. Macatangay na may kalakip na dalawang dokumento.
Ang una ay isang Sinumpaang Salaysay na petsa 11 Pebrero 2004 ay gawa ni Josephine M. Banaag na kung saan hinihiling niya na payagan na lang kaming umuwi "dahil wala kaming balak na sumali sa anumang usapin o gusot lalo na itoy walang sapat na dahilan o basehan at itoy pagsasayang lang ng oras.
Ang pangalawa ay aking ikinagulat at ikinagalit sa aking ina. Ito ay ang isang Sinumpaang Salaysay petsa 11 Pebrero 2004 na sa pangalan ng isang "(PANGALAN NG BATA)", na sa aking pagbasa ay nalaman at naintindihan na ako pala ang tinutukoy.
Ayon sa nakasulat sa naturang Sinumpaang Salaysay, ang salaysay na kung saan "x x x IPINAHAYAG KO NA AKOY GINAHASA NI G. PERCIVAL MORALES AY HINDI TOTOO AT ITOY NAGAWA KO DAHIL AKOY LUBHANG TAKOT, TULIRO AT WALA SA SAPAT NA KAISIPAN NG PANAHON NA IYON AT DAHILAN NA RIN SA LUBHANG PRESSURE O PANGGIGIPIT NG IBANG TAO NA MAAARING MAY IBANG MOTIBO MALIBAN SA AKOY TULUNGAN x x x". Sa madaling salita, inuurong ko raw ang aking demanda laban kay Mayor Morales sa pamamagitan ng naturang Sinumpaang Salaysay.
Mariin kong itinatanggi na ako ay mayroong pinirmahang Sinumpaang Salaysay na nag-uurong ng demanda k okay Mayor Morales o pumayag sa ano mang paraang iurong o itanggi ang aking mga bintang na ginahasa niya ako.
Tinapos nung bata ang kanyang salaysay na ibinigay sa QC Prosecutors Office ng mga ganitong pahayag.
Sa pamamagitan ng Salaysay na ito, aking pinatutunayan na hindi ako pumirma ng anumang Salaysay sa Pag-uurong ng Demanda laban kay Mayor Percival P. Morales at upang ipagsakdal si JOSEPHINE M. BANAAG, na naninirahan sa poder ni Mayor Sebastian Serrano sa Bgy. Nayong Doongan, Catanauan, Lalawigan ng Quezon, sa paggawa, paghahain at paggamit ng naturang Sinumpaang Salaysay na alam niyang walang katotohanan, pawang kasinungalingan at kagagawan niya lamang ng walang akong kaalaman o kapahintulutan, sa paghahangad na baguhin o impluwensyahin ang kalalabasan ng kasalukuyang usapin o imbestigasyon sa Department of Justice, na labag sa PD No. 1829 Section 1(f), at sa pagpalsipika ng naturang Sinumpaang Salaysay upang palabasin na ako ang gumawa, pumirma at sumumpa dito at sa pagpalsipika ng kanyang sariling Sinumpaang Salaysay sa pamamagitan ng paglalahad ng mga kasinungalingan na labag sa Art. 172 (1) in relation to Art. 171 (2) and (4), Revised Penal Code, at pang-aabuso sa aking karapatang pambata sa ilalim ng RA 710, Article VI, Section 10 (a).
MALIWANAG ANG GUSTO NG BATA. PATI INA NIYA KINASUHAN NA NIYA DAHIL SA GINAWA NITO. AYON NAMAN KAY ATTY MINERVA AMBROSIO, KADUDADUDA NAMAN ANG MGA IKINIKILOS NG AMA NITONG BATA.
Nag-iwan naman ng babala itong si Atty Ambrosio na kung merong hindi magandang gagawin itong ama ng bata, hindi sila (DSWD) magdadalawang isip na kasuhan ito.
Layon natin na magkaroon ng resolution na itong reklamong ito hindi lamang para sa bata kundi para na rin sa inirereklamo.
PARA SA ANUMANG COMMENTS O REACTIONS, MAAARI KAYONG TUMAWAG SA "CALVENTO FILES," 7788442. MAARI DIN KAYONG MAGTEXT SA 09213263166.