Malalaking billboards

MARAMING malalaking billboard sa EDSA. Karami- han sa mga modelo ng ads ay mga artista na nag-eendorso ng iba’t ibang consumer’s products. May mga wholesome na billboard lalo na iyong ads ng sabon, shampoo, softdrinks, baby products at pagkain pero marami ang nagtataas ng kilay at nag-eeskandalo sa malalaswang billboard na halos hubo’t hubad ang mga modelo. Mga naka-bikini at briefs sila. Maraming motorista ang nagrereklamo na apektado sila ng mga giant posters na parang ginagaya ang Time Square sa New York. Dapat isipin na iba ang ating kultura sa Amerikano.

Marami ang naaksidente dahil sa mga billboard na ito. Nagkakabanggaan ang mga sasakyan. Isang malaking billboard ang gumuho sa Guadalupe at may mga bumagsak pa sa Makati noong mga nagdaang bagyo. Isang moralista ang nagsabi na ang billboard ng artistang si Rica Peralejo sa Magallanes Interchange ay nakakakiliti sa imahinasyon ng mga kalalakihan. Hindi lang seductive kundi erotic ang mga posing nina Francine Prieto at Juliana Palermo. Trip naman ng mga bading ang mga larawan ng singer na si JR at Wendell Ramos na naka-briefs. Maraming tsuper ng taksi ang nagsabi na bagama’t puyat sila sa pamamasada ay nagsisilbing panggising ang seksing si Francine P.

Napag-alaman na madaling maka-display ng billboards basta makakuha ng mayor’s permit puwede na pero dapat ding maging panuntunan sa pagbibigay ng permit ay ang aesthetic, moral, and safety standards. Mas makakabuti kung wholesome ads na lang ang ikabit para hindi maka-pollute ng isipan.

Show comments