Republika ng sugal
September 11, 2004 | 12:00am
IBA rin talaga ang solusyong nakikita ng administrasyon ni Madam Gloria upang maibsan ang finacial crisis na dinaranas ng bansa.
Bukod sa mga panukala ng ilang mga sipsip na kongresista na gustong maningil ng karagdagang buwis na pilit pinipiga sa wala nang mapigang mamamayan ay pinalalaganap naman nang husto ang mga pasugalan para magkaroon ng karagdagang kita.
Bagamat obvious na salungat na salungat ito sa mga mayat mayang mga press releases ng Malacañang na kailangan daw ng pagbabago sa ating mga values. Sabagay, para may masabi naman ang ilang opisyal ng gobyerno.
Kaso, matindi nito, kesa mabawasan ang sugal gaya ng jueteng na ginamit nilang isyu laban kay dating Pangulong Erap ay lalong lumaganap ang numbers game at wala nang magawa o di kayay kasali na ang mga opisyal ng gobyerno mula sa Malacañang, sa Department of Interior and Local Government (DILG), Philippine National Police (PNP) at mga gobernador at mga mayor.
Ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) at ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) naman ay tuluy-tuloy ang pagpaparami ng mga outlet at paghahanap ng ibat ibang paraan ng mga sugal na ang pinakahuli ay ang pagtataya sa pamamagitan ng text.
Puwera pa rito ang mga pinaggagawa ng Pagcor na payagan na ang pagbubukas ng mga slot machine arcades na tumutubong parang mga kabute sa buong ka-Maynilaan pati sa tabi ng mga eskuwelahan at mga simbahan.
Siyanga pala, kesa tinatabihan nyo, bakit hindi pa diyan na lang sa loob ng mga eskuwelahan, doon kaya sa tabi ng principals office para mabigyan ng "proper supervision" ang mga kabataan magsugal at sa loob mismo ng simbahan, doon sa may donation box sa may pinto, para pag nanalo ang naglalaro deretso ang pagdo-donate. Sa ganoong paraan din, safe ang mga nagsusugal dahil nasa loob na ng schools and churches.
Ang PCSO naman ay hindi nagkasya at natuwa sa lotto at sweepstakes at ngayon ay nakikipag-agawan sa Pagcor sa larong Keno. Bukas na rin kayo ng outlets hindi lang sa mga malls, bakit hindi sa loob ng banko, kuha kayo ng isang booth din, isang teller lang ang kailangan, safe rin kasi deretso ang pagdedeposito ng mga taya.
Ang Public Estate Authority (PEA) naman ay nakikipagkutsaba sa Pagcor at gustong ma-convert ang reclaimed land sa Diosdado Macapagal Highway upang gawing Macau ng Pilipinas ng negosyanteng si Stanley Ho.
Si Stanley Ho nga pala ang nagpapatakbo ng katakut-takot na pasugalan sa Macau na noong gustong pumasok sa Pilipinas noong panahon ni dating Pangulong Erap ay masama raw ayon sa mga civil society pero sinalubong pa ng Presidential Adviser for Foreign Investment ni Madam Gloria.
Ang iba pang ahensiya ng gobyerno ay gusto ring sumali, gaya ng liderato ng Philippine Tourism Authority na gusto ring maglagay ng casino sa kanilang mga inooperate na entities kahit na historical sites ang iba rito.
Wow Philippines nga naman, pero bakit hindi na lang maglagay rin diyan sa loob ng Department of Tourism at PTA offices para maengganyo ang mga corrupt na mga opisyales na magbigay ng kanilang tulong sa Bayanihan fund sa pamamagitan ng paglalaro ng slot machines.
Lahat sila, sa ngalan daw ng additional revenues for government kuno. Ha-ha-ha!!! Matindi talaga kayo sa inyong hangaring mabigyan ng dagdag na revenue ang bansa. He-he-he!!!
Sabagay sa nangyayari ngayon, makikilala tayo sa buong mundo dahil lahat ng uri ng sugal ay paiiralin na natin mula sa Batanes hanggang sa Jolo. Hindi kagaya ng Macau at Las Vegas na bawal ang menor de edad, dito sa atin ay lahat papayagan natin at gagamit ng lahat ng teknolohiya pati na ang pagte-text.
Sisikat tayo sa buong mundo at kukumpitensyahin natin ang Las Vegas, Nevada, Atlantic City, Macau, Monte Carlo at tatagurian tayong REPUBLIKA NG SUGAL at ang mga mamamayan mga SUGAROL o kung paiikliin Sugar at hindi na Pinoy.
O ano payag ba kayo? Anong say nyo? Text lang sa 09272654341 para sa inyong kasagutan.
* * *
Para sa anumang reaksyon, sumulat lang sa [email protected] o kayay mag-text sa 09272654341. Mapapakinggan nyo rin po ang inyong lingkod sa DZEC 1062 mula 4:30 hanggang 6:00 ng hapon, Lunes hanggang Huwebes.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended