^

PSN Opinyon

Tahanan ng pamilya, desisyon ng mag-asawa

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison -
ANG mag-asawang Gloria at Noel kasama ang tatlo nilang anak ay naninirahan sa naipundar na tahanan sa Bicol. Si Gloria ay isang pediatrician at naitaguyod ang magandang pangalan sa loob ng halos 10 taon. Samantalang si Noel ay isang drug sales representative na madalas magbiyahe.

Isang araw, naitalaga ng kompanya si Noel sa Maynila. Dahil dito, dalawang beses na lamang nakakauwi si Noel sa Bicol. Di nagtagal ay nanghina at nagkasakit si Noel. Kaya, hiniling niya kay Gloria na lumuwas ng Maynila at doon manirahan kasama ang mga anak. Pinatigil din ni Noel si Gloria sa pagiging doktor subalit tumanggi ito dahil natamo na raw niya ang tagumpay sa Bicol. Iginiit din ni Gloria na mahihirapan ang kanilang mga anak na lumipat pa ng ibang paaralan lalo na at mahal ang pamumuhay sa Maynila.

Gayunpaman, naging mapilit si Noel. Ayon sa kanya, dapat daw siyang masunod sa pagdedesisyon kung saan dapat itaguyod ang tahanan ng kanilang pamilya, maging impraktikal man ito o mahirap. Tama ba si Noel?

MALI.
Walang karapatan si Noel na pilitin si Gloria na huminto sa propesyon nito o kaya ay pilitin na manirahan sa Maynila. Ang usaping ito ay desisyon ng mag-asawa at nang hindi isa lamang. Ayon sa batas, kapwa desisyon ng mag-asawa kung saan magtatatag ng tirahan ng pamilya, paano pamamahalaan ito at ang paraan ng pagsuporta sa pamilya. Maaari ring magpraktis ng kahit anong propesyon ang isa sa kanila nang walang pahintulot ng asawa. Subalit maaaring tutulan ito kapag may balido, seryoso o moral na kadahilanan. At kung hindi sila magkasundo, maihahain ito sa hukuman para madesisyunan.

AYON

BICOL

DAHIL

GAYUNPAMAN

GLORIA

IGINIIT

ISANG

MAYNILA

NOEL

SI GLORIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with