Narito ang Ebanghelyo na isinalaysay sa atin ni Lukas tungkol sa paghuhusga sa kapwa (Lk. 6:39-42).
Tinanong sila ni Jesus nang patalinghaga: "Maaari bang maging tagaakay ng bulag ang isa ring bulag? Kapwa sila mahuhulog sa hukay kapag ginawa ang gayon. Walang alagad na higit sa kanyang guro; ngunit kapag lubusang naturuan, siyay magiging katulad ng kanyang guro.
"Ang tinitingnan moy ang puwing ng iyong kapatid, ngunit hindi mo pinapansin ang tahilan sa iyong mata. Paano mo masasabi sa iyong kapatid, "Kapatid, bayaan mong alisin ko ang iyong puwing," gayong hindi mo nakikita ang tahilang nasa iyong mata? Mapagpaimbabaw! Alisin mo muna ang tahilan sa iyong mata, at makakikita kang mabuti; sa gayoy maaalis mo ang puwing ng iyong kapatid."
Hindi pinipigilan ni Jesus ang sinuman na husgahan ang mga pag-uugali ng ibang tao. Ang dapat lang alalahanin ay ang pag-iwas na humusga sa diwa ng kahambugan o kayabangan, na nakakalimutan na ng humuhusga na siyay may mga pagkakamali rin.
Inihambing ni Je-sus ang isang maliit na puwing sa isang tahilan upang isalarawan ang pagpapalaki ng isang maliit na pagkakamali, samantalang di-napapansin ng pumuna ang kanyang sariling mga pagkakamali at pagkukulang.
Ang isang Kristiyanong alagad ay dapat maging mapaglimi sa kanyang mga sariling kahinaan. Dapat siyang maging bukas sa mga puna ng ibang tao.