^

PSN Opinyon

Paghusga sa kapwa

ALAY-DANGAL - Jose C. Blanco S.J. -
MARAMI sa atin ang mapaghusga sa kap-wa. Ang mas malala pa: Tayo ay bulag sa ating sariling mga kahinaan at mga pagkukulang. Nagbigay si Jesus sa kanyang mga alagad ng komento tungkol sa ganitong mga pag-uugali. Marahil sila mismo ay mga bulag din at nagpapanggap na mga taga-akay ng iba na mga bulag din.

Narito ang Ebanghelyo na isinalaysay sa atin ni Lukas tungkol sa paghuhusga sa kapwa (Lk. 6:39-42).

Tinanong sila ni Jesus nang patalinghaga: "Maaari bang maging tagaakay ng bulag ang isa ring bulag? Kapwa sila mahuhulog sa hukay kapag ginawa ang gayon. Walang alagad na higit sa kanyang guro; ngunit kapag lubusang naturuan, siya’y magiging katulad ng kanyang guro.

"Ang tinitingnan mo’y ang puwing ng iyong kapatid, ngunit hindi mo pinapansin ang tahilan sa iyong mata. Paano mo masasabi sa iyong kapatid, "Kapatid, bayaan mong alisin ko ang iyong puwing," gayong hindi mo nakikita ang tahilang nasa iyong mata? Mapagpaimbabaw! Alisin mo muna ang tahilan sa iyong mata, at makakikita kang mabuti; sa gayo’y maaalis mo ang puwing ng iyong kapatid."


Hindi pinipigilan ni Jesus ang sinuman na husgahan ang mga pag-uugali ng ibang tao. Ang dapat lang alalahanin ay ang pag-iwas na humusga sa diwa ng kahambugan o kayabangan, na nakakalimutan na ng humuhusga na siya’y may mga pagkakamali rin.

Inihambing ni Je-sus ang isang maliit na puwing sa isang tahilan upang isalarawan ang pagpapalaki ng isang maliit na pagkakamali, samantalang di-napapansin ng pumuna ang kanyang sariling mga pagkakamali at pagkukulang.

Ang isang Kristiyanong alagad ay dapat maging mapaglimi sa kanyang mga sariling kahinaan. Dapat siyang maging bukas sa mga puna ng ibang tao.

ALISIN

DAPAT

EBANGHELYO

INIHAMBING

IYONG

JE

KAPATID

KAPWA

KRISTIYANONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with