Ang Ebanghelyo sa kapistahan ng kapanganakan ni Maria ay mula sa Mateo 1:18-25.
Ganito ang pagkapanganak kay Jesus. Si Maria na kanyang ina at si Jose ay nakatakda nang pakasal. Ngunit bago sila nakasal, si Mariay natagpuang nagdadalantao. (Itoy sa pamamagitan ng Espiritu Santo.) Isang taong matuwid si Jose na kanyang magiging asawa, ngunit ayaw niyang mapahiya si Maria, kaya ipinasya niyang hiwalayan ito nang lihim. Samantalang iniisip ito ni Jose, napakita sa kanya sa panaginip ang isang anghel ng Panginoon. Sabi nito sa kanya, "Jose, anak ni David, huwag kang matakot na tuluyang pakasalan si Maria, sapagkat siyay naglihi sa pamamagitan ng Espiritu Santo. Manganganak siya ng isang lalaki at itoy pangangalanan mong Jesus, sapagkat siya ang magliligtas sa kanyang bayan sa kanilang mga kasalanan."
Nangyari ang lahat ng ito upang matupad ang sinabi ng Panginoon sa pamamagitan ng propeta: "Maglilihi ang isang dalaga at manganganak ng isang lalaki, at tatawaging Emmanuel!" (Ang kahulugay "Kasama natin ang Diyos").
Nang magising si Jose, sinunod niya ang utos ng anghel ng Panginoon; pinakasalan niya si Maria. Ngunit hindi ginalaw ni Jose si Maria hanggang sa maipanganak nito ang isang sanggol na lalaki na pinangalanan nga niyang Jesus."
Habang ipinagdiriwang natin ang kaarawan ni Maria, ang ating isip ay dapat matuon sa katunayan na siya ay ipinaglihing walang bahid ng kasalanang orihinal. Ang katalagahang iyon ay ipinagdiriwang tuwing Disyembre 8. Subalit ang kapanganakan ni Maria ay ipinagdiriwang ng Setyembre 8, siyam na buwan mula nang siyay ipaglihi.
Batiin si Maria sa kanyang kaarawan. Kapalit ng inyong pagbati ay ang mga biyayang kanyang pararatingin sa inyo.