^

PSN Opinyon

Kaarawan ni Maria

ALAY-DANGAL - Jose C. Blanco S.J. -
PAANO natin ipinagdiriwang ang kaarawan ni Maria, ang Ina ni Jesus? Hindi ba’t ipinagdiriwang natin taun-taon ang kaarawan ni Jesus? Inaalala natin ang kapanganakan ni Jesus sa Betlehem. Ganoon din si Maria. Siya ngayon ay nasa langit na. Alam niya na ating ipinagdiriwang ang kanyang kaarawan at siya ay natutuwa.

Ang Ebanghelyo sa kapistahan ng kapanganakan ni Maria ay mula sa Mateo 1:18-25.

Ganito ang pagkapanganak kay Jesus. Si Maria na kanyang ina at si Jose ay nakatakda nang pakasal. Ngunit bago sila nakasal, si Maria’y natagpuang nagdadalantao. (Ito’y sa pamamagitan ng Espiritu Santo.) Isang taong matuwid si Jose na kanyang magiging asawa, ngunit ayaw niyang mapahiya si Maria, kaya ipinasya niyang hiwalayan ito nang lihim. Samantalang iniisip ito ni Jose, napakita sa kanya sa panaginip ang isang anghel ng Panginoon. Sabi nito sa kanya, "Jose, anak ni David, huwag kang matakot na tuluyang pakasalan si Maria, sapagkat siya’y naglihi sa pamamagitan ng Espiritu Santo. Manganganak siya ng isang lalaki at ito’y pangangalanan mong Jesus, sapagkat siya ang magliligtas sa kanyang bayan sa kanilang mga kasalanan."


Nangyari ang lahat ng ito upang matupad ang sinabi ng Panginoon sa pamamagitan ng propeta: "Maglilihi ang isang dalaga at manganganak ng isang lalaki, at tatawaging Emmanuel!’" (Ang kahuluga’y "Kasama natin ang Diyos").

Nang magising si Jose, sinunod niya ang utos ng anghel ng Panginoon; pinakasalan niya si Maria. Ngunit hindi ginalaw ni Jose si Maria hanggang sa maipanganak nito ang isang sanggol na lalaki na pinangalanan nga niyang Jesus."

Habang ipinagdiriwang natin ang kaarawan ni Maria, ang ating isip ay dapat matuon sa katunayan na siya ay ipinaglihing walang bahid ng kasalanang orihinal. Ang katalagahang iyon ay ipinagdiriwang tuwing Disyembre 8. Subalit ang kapanganakan ni Maria ay ipinagdiriwang ng Setyembre 8, siyam na buwan mula nang siya’y ipaglihi.

Batiin si Maria sa kanyang kaarawan. Kapalit ng inyong pagbati ay ang mga biyayang kanyang pararatingin sa inyo.

ALAM

ANG EBANGHELYO

BATIIN

ESPIRITU SANTO

MARIA

NGUNIT

PANGINOON

SI MARIA

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with