^

PSN Opinyon

EDITORYAL – Mga 'butiki' muna ang inuuna sa Customs?

-
KUNG mga "butiki" muna ang inuunang hampasin sa Bureau of Customs (BoC), puwede na rin, pero sana isunod din kaagad ang mga matataba at masisibang "buwaya". Tamang-tama ang paghampas at paghuli sa mga matatabang buwaya sa Customs sa panahong ito na nasa financial o fiscal crisis ang Pilipinas. Tamang-tama sa direktiba ni President Gloria Macapagal-Arroyo na itakwil ang marangyang pamumuhay at magtipid. Bago nagpunta sa China si Mrs. Arroyo kasama ang kanyang asawa, anak, manugang, apo, yaya at bayaw, marami siyang ipinagbilin na may kinalaman sa austerity program ng gobyerno.

Dalawang "butiki" ang nahuli sa Customs sa katauhan nina Dolores Domingo at Chito Orbeta. Si Domingo ay isang clerk samantalang si Orbeta ay isang mensahero. Nalantad ang marangyang pamumuhay ng dalawa noon pang nakaraang taon makaraang bistuhin ng tv program na "Imbestigador" ng Channel 7 hosted by broadcast journalist Mike Enriquez.

Nahampas ang dalawang "butiki" at ngayo’y sinuspinde na ng Ombudsman ng anim na buwan dahil sa pagbagsak sa lifestyle check na inilunsad ng pamahalaan. Sa loob ng anim na buwang suspensiyon ay hindi tatanggap ng sahod ang dalawa, ayon sa Ombudsman.

Sa tulong ng "Imbestigador" ni Mike Enriquez, nadiskubre ang marangyang buhay ng dalawa. Si Domingo ay maraming sasakyan at may malaking bahay at lupa. Kabilang sa mga sasakyan ni Domingo ang Pajero, Starex van, Toyota Revo at Elantra sedan. Isang clerk lamang si Domingo na sumasahod ng P83,028 sa loob ng isang taon.

Si Orbeta na sumasahod lamang ng P71, 592 sa loob ng isang taon o P5,966 isang buwan ay nakabili ng Honda Civic at Toyota Revo. Pawang cash ang mga ito. Bukod sa dalawang sasakyan, nakabili rin siya ng lupa at bahay sa Laguna.

Mas matutuwa ang taumbayang naghihirap kung may mahahampas pang mga "butiki" sa Customs at sana’y maimbestigahang mabuti kung paano sila nagkamal ng pera. Kapag napatunayan, tanggalin sila sa puwesto at kasuhan. Kamay na bakal ang dapat sa mga corrupt. Hindi sapat ang anim na buwang suspensiyon na walang suweldo. Magtatawa lang ang mga "butiki". Nakahimod na sila ng "grasya" matagal na.

Matutuwa rin naman lalo ang taumbayan kung ang mababalatan sa Customs ay mga "buwaya". Baka sakaling makaahon ang bansang ito sa kahirapan. Sana.

vuukle comment

BUREAU OF CUSTOMS

CHITO ORBETA

DOLORES DOMINGO

DOMINGO

HONDA CIVIC

MIKE ENRIQUEZ

SI DOMINGO

TOYOTA REVO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with