Bitay sa 3 drug couriers sa NAIA
September 7, 2004 | 12:00am
NAKATSAMBA ang mga tauhan ng Bureau of Customs sa NAIA, kasi nakahuli sila ng 10 kilos high-grade shabu na bitbit ng tatlong Indonesian nationals na chiching galing Hongkong.
P100 million pala ang halaga ng shabu sa blackmarket dahil high-grade ito. Si Gamor Sangcopan, examiner ng Customs ang naka-buena mano sa tatlong ugok na courier ng droga.
Kahit na humihikab-hikab si Gamor sa kanyang counter sa tulong ng kapeng iniinom nito ay nakalawit niya sina Maimum Wagimin, 33, Herawaty Ng, 50, at Khoe Hong Gek, 46, pawang mga Indonesian, sakay sila ng PAL flight 307 from Hong Kong.
Dapat bigyan ng gantimpala ni Allah si Gamor sa kanyang nagawang kabayanihan dahil kung nagkataon inantok ito tiyak maraming Noypi ang mabibiktima ng 10 kilong shabung bitbit ng tatlong ugok.
Isiniksik ng tatlong kamote ang shabu sa mga damit at pantalon na dala nila ang akala nila ay makakalusot ito sa airport.
Nilagyan ng markang X ang mga bagahe bilang indikasyon na may laman itong kahina-hinalang kargamento ng dumaan ito sa x-ray machine galing sa airplane.
Nabuko ni Gamor, ang mga tawas este mali shabu pala nang buksan niya ang mga bagahe ng tatlong courier.
Sa bagahe ni Herawaty, nakunan ito ng 3.5 kilos ng shabu, 3-1/4 kilos sa bagahe ni Wagimin, at 3 kilos naman ang nakita sa loob ng bagahe ni Khoe.
Madalas palang nasa Maynila ang tatlong courier nabuko sila nang makita ang mga arrival stamps ng immigration sa kanilang mga passports.
Parusang bitay tiyak ang hatol ng Korte sa tatlong drug couriers batay sa ipinatutupad na butas este mali batas pala ng Pinas.
Ilang kilos na kaya ng shabu ang naipuslit ng tatlong drug couriers mula nang pumasok sila sa Pinas? tanong ng kuwagong sepulturerong maglilibing dito.
Iyan ang hindi natin alam basta ang importante sabit sila sa 10 kilos high-grade shabu, sagot ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
Bigyan natin ng masigabong isang palakpak si Gamor at mga kasamahan nito sa NAIA, anang kuwagong manananggol.
Iba talaga ang mga Customs sa airport aral kay Collector Celso Templo.
Bakit si Templo ba ang teacher ng mga Customs sa NAIA?
Rose from the rank si Templo dati itong detektib noong kabataan niya.
"Kaya pala matalas ang pangamoy.
Hindi talagang matalas ito kahit saan bagay, sagot ng kuwagong Kotong cop.
Kaya naman pala, kamote!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended