^

PSN Opinyon

Sugpuin muna ang smuggling

SAPOL - Jarius Bondoc -
PAGSAMAHIN na ang pagtitipid at mga panukalang dagdag-buwis, P127 bilyon lang ang madadagdag sa pondo ng gobyerno. Kapos pa rin ito para punuan ang P200-bilyong budget deficit sa 2004 at P340 bilyon sa 2005. Mapipilitan pa rin ang gobyerno na utangin ang kakulangan. Dagdag na naman ito sa kabuuang utang na P5.4 trilyon, na mas malaki na kaysa taunang kita ng ekonomiya na P5 trilyon lang.

Dapat pagtuunan din ng pansin ang dagdag-koleksiyon ng lumang taxes at duties. Dalawang paraan para magawa ito: Una, pahusayin ang mga taga-Bureau of Internal Revenue at Bureau of Customs; ikalawa, sugpuin ang smugglers, tax evaders at mga kakutsaba nito sa BIR at BoC.

Tinatayang P175 bilyon ang nililimas taun-taon ng smugglers. Kundi tuwirang nagpupuslit ng kontrabando, ina-undervalue o misdeclare nila ang kargamento, kasabwat ng BoC appraisers. Di bababa sa P150 bilyon din ang kinukupit taun-taon ng tax evaders. Hindi sila nagdedeklara ng kita o dinodoktor ang financial books, kasabwat ng BIR examiners.

Kung magtataas din lang ng buwis at magtitipid, ilaan sana ang bahagi ng pondo sa pag-recruit ng mga bagong kawani sa BIR at BoC. Piliin nila ang mga bagong graduates, mga wala pang sungay, matapang at masigasig. Mas mababa ang suweldo nila kaysa mga datihan, pero sisikapin nila patunayan ang galing. Bukod dito, nag-aalab ang dadaming makabayan nila, kaya malamang na hindi magpapasuhol o mangingikil. At kung mapatunayan nila ang galing, e di gawin na silang permanente sa trabaho, dahil kulang naman talaga ang plantilya ng BIR at BoC.

Napatunayan sa karanasan ng Hong Kong na kailangan puhunanan ang kampanya kontra katiwalian. Naglaan ang Independent Commission Against Graft ng malaking pondo at daan-daang imbestigador, di tulad ng Pilipinas na 56 lang ang tagausig ng Office of the Ombudsman. Para ituwid ang sistema, panahon nang maglaan din ang Pilipinas ng malaking army ng kabataan kontra tax evaders at smugglers. Kung nagkataon, lalabis pa ang koleksiyon ng taxes at duties kaysa taunang budget.

BUKOD

BUREAU OF CUSTOMS

BUREAU OF INTERNAL REVENUE

DAGDAG

DALAWANG

HONG KONG

INDEPENDENT COMMISSION AGAINST GRAFT

OFFICE OF THE OMBUDSMAN

PILIPINAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with