EDITORYAL Dahil sa illegal drugs
September 7, 2004 | 12:00am
GRABE na ang ginagawang pinsala ng illegal na droga sa buhay ng tao. Marami nang sinisirang buhay at maski ang mga walang malay na bata ay nadadamay. Hanggang ngayon, sa kabila na sinasabi ng mga awtoridad na nagtagumpay sila sa pakikipaglaban sa mga salot na drug lords at mga traffickers, hindi pa rin ito lubusang mapaniwalaan sapagkat patuloy pa rin ang pagsasabog ng kanilang lagim. Hindi lamang mga kabataang estudyante ang sinisira ng droga kundi pati mga propesyunal, may artista, basketball players, entertainers, miyembro ng media at ang matindi pati ang ilang miyembro ng PNP. Malaki na ang kanilang sakop at patuloy pa rin sa pananakop.
Mas masaklap kung ang isang ama ang mapraning sa ipinagbabawal na droga. Pati ang anak ay ipagsasama sa kamatayan. Katulad nang ginawa ni Nestor Silang, 33, na umakyat sa ginagawang tulay sa Commonwealth Ave. noong Biyernes kasama ang kanyang isang taong gulang na anak. Bangag umano si Silang nang ihostage ang sariling anak. May kinatatakutan umanong papatay sa kanya.
Nanatili nang may tatlong oras sa tuktok ng tulay si Silang kalong ang anak. Nakabilad sila sa araw. Mistulang baliw si Silang na hinahalikan ang anak. Palakad-lakad si Silang sa tuktok ng tulay. Hanggang sa makarinig ng wangwang at iyon ang naghudyat para siya tumalon sa may 30-foot na tulay kasama ang anak. Nabuhay si Silang pero ang kanyang anak ay namatay dahil sa internal hemmorhage.
Inamin ng asawa ni Silang na drug addict ang kanyang asawa. Maski nang interbyuhin si Silang makaraan ang insidente, sinabi niyang may mga humahabol sa kanya at gusto siyang patayin. Walang pagsisisi sa kanyang mukha. Sabi pay gusto niya talagang isama ang anak para mamatay na ito at nang hindi na magutom pa. Mas kawawa raw kung mamamatay lamang ito sa gutom.
Praning na si Silang. Ang kanyang utak ay masyado nang nalason ng bawal na droga. Lumiit nang lumiit hanggang sa kumitid at marami na siyang kinatatakutan at gustong takasan sa buhay.
Hindi lamang si Silang ang unang ama na pumatay sa sariling anak. Marami pang iba at halos lahat sila, sugapa sa droga. Noong nakaraang taon, isang praning na ama ang inihulog sa bintana ang kanyang limang buwang sanggol. Patay ang sanggol. Mayroon pang praning na ama na masyadong naingayan sa pag-iyak ng anak kaya itinapon sa bintana.
Ang mga nabanggit ay isang malinaw na katotohanan ng grabeng kapinsalaan ng droga sa tao. Hanggang ngayon patuloy ang pagsira. Ang problemang ito ay hamon naman sa PNP. Durugin ang mga drug lords!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended