^

PSN Opinyon

Pagsugpo sa sindikato ng 'paihi at pasingaw', wala pa ring konkretong hakbang ang pamahalaan

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -
HANGGA’T nalilito ang pamahalaang nasyonal at lokal sa pagpapatupad ng batas laban sa mga sindikato ng pagnanakaw ng langis, krudo at Liquefied Petroleum Gas (LPG), hindi masusugpo ang kanilang mga iligal na aktibidades.

Bilyong piso ang halaga na nakukulimbat ng malalaking sindikato na ’to na kung tawagin sa kanilang lengguwahe, ito ’yung ‘‘pasingaw’’ at ‘‘paihi."

Hanggang sa kasalukuyan, wala pa ring konkretong hakbang ang pamahalaan upang labanan ang malalaki at organisadong sindikato sa likod ng paihi at pasingaw.

Masahol nito, mismong mga opisyal ng pamahalaan ay aminado, protektado daw ang malalaking sindika- tong ito ng paihi at pasingaw ng mga tiwaling pulitiko at mismong mga awtoridad.

Mag-inspeksiyon man ang pamahalaan sa mga gasolinahan at makahuli man ng mga mandaraya o pabaya sa kanilang pagbebenta ng produktong petrolyo, wala ito sa kalingkingan kumpara sa nananakaw ng malalaking sindikato.

Sinasabi ng pamahalaang nasyonal sa pamamagitan ng Department of Energy (DOE), responsibilidad ng lokal na pamahalaan na inspeksiyunin ang mga gasoline station sa kanilang nasasakupan.

Batay daw ito sa Batas Pambansa (BP) 33, kung saan, dapat kada-animnapung araw (60) isinasagawa ang pag-iinspeksiyon.

Samantalang sa lokal na pamahalaan tulad ng Quezon City, sinusunod nila ang Section 81 ng Quezon City Revenue Code of 1993 kung saan inaatasan ang treasurer’s office ng pag-iinspeksiyon at calibration sa mga gas pump.

May kapangyarihan din daw silang suriin ang mga dokumento, tulad ng mayor’s permit at pagte-testing sa mga weighing scales ng alinmang gasolinahan.

Samakatuwid, kung may kapangyarihan sila na mag-inspeksiyon sa maliliit na gasolinahan, maari din nilang inspeksiyunin ang mga refilling plants at mga warehouses na kadalasan ay ginagamit ng malalaking sindikato sa kanilang iligal na aktibidades.

Karamihan sa mga establisimiyentong ito, naga- ganap ang malawakang ‘‘paihi at pasingaw’’ na kumikita ng bilyong piso kada taon.

Mensahe ng kolum na ’to sa mga opisyal na nagpapatupad ng batas, tingnan ang ugat ng problema at hindi ang epekto lang ng problema.

BITAG hotline numbers, para sa mga NAAABUSO, NAAAPI at BIKTIMA ng PANLOLOKO o anumang uri ng katiwalian, tumawag sa mga nume-rong ito 932-8919/932-5310 at mag-text sa 0918-9346417. Panoorin ang ‘‘BAHALA SI TULFO’’ live sa UNTV 37, Monday-Friday, 9:00-10:00 ng umaga.

vuukle comment

BATAS PAMBANSA

BATAY

BILYONG

DEPARTMENT OF ENERGY

HANGGANG

LIQUEFIED PETROLEUM GAS

QUEZON CITY

QUEZON CITY REVENUE CODE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with