Pinarerebisa rin ni Al, ang kontrata ng 5 money changer at lotto outlet sa airport. May nagbulong sa mga kuwago ng ORA MISMO, alam kaya ni BIR housing Willy Parayno, ang operasyon ng limang money changer sa airport dahil walang resibo itong ibinibigay sa mga nagpapapalit na OFWs at maging mga turista.
Maliwanag na lumalabag sa batas ang money changer dahil required na mag-issue sila ng resibo para malaman ng BIR kung magkano ang para sa gobyerno. Imbudo ang money changer na ito. Kopong-kopo ang lahat ng mga nagpapalit ng foreign currency.
Mas mataas pa ang kanilang rate sa itinakda ng Bangko Sentral ng Pilipinas kaya panay ang angal ng mga bangko sa airport. Kaya naman palaisipan pa rin sa kuwago ng ORA MISMO kung bakit pinayagan itong money changer na makapagpatayo ng puwesto sa loob mismo ng security risk area.
Dapat talagang silipin ni Cusi ang kontrata ng Jacinto money changer, dahil sobrang dami ng kanilang puwesto, sabi ng kuwagong pulis na naglalanggas ng galis.
Maliwanag na black market ito dahil walang resibo? anang kuwagong bungal na nagmumumog ng tubig.
Kung walang resibo, eh di malaki ang nawawala sa gobyerno? Tanong ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
Kawawa talaga si Juan dela Cruz, pinagtitipid nang husto ni Prez GMA samantalang may gumagawa ng milagro? Sabat ng kuwagong sipulturero na naghuhukay ng sariling libingan.
Kailangang umaksiyon na si Cusi, dahil mainit sa mata ng noypi ang issue ng Jacinto money changer, anang kuwagong naglilinis ng kuko.
Iyan ang hihintayin ng mga kuwago ng ORA MISMO, dahil mukhang Action man si Cusi, kaya tiyak may magandang desisyon sa darating na mga araw.
Hihintayin natin iyan, kamote.