HINDI KA BA TALAGA TITIGIL? KULANG PA BA ANG TATLONG ULIT KANG NASANGKOT SA MGA GRABENG VEHICULAR ACCIDENTS? NAGPAPAPANSIN KA BA SA MGA MAGULANG MO?
Alam na ng buong bayan, and perhaps even our countrymen all over the world kung ano ang nangyari nung Huwebes ng 3:30 ng madaling-araw. Kasagsagan ng malakas na ulan. Umagaw eksena itong anak ng ating primyadong comedy actor na si Dolphy at Alma Moreno. Nadisgrasya si Vandolf.
Hindi mo mai-aalis sa isipan ng publiko ang insidente kung saan nagkipaghead-on collision itong si Vandolf dala ang kanyang F-150. Itoy ay ikinamatay ng kanyang girlfriend na si Isshi Raquiza nung Nov. 21, 2001. Nakomatose nga itong batang actor na ito. Ngayon heto na naman siya.
Bilib din ako dito kay Vandolf, mga magara, modelo at pawang mga mamahaling sasakyan ang kanyang winawasak. Lexus ang dala niya nung 2001. Ngayon naman isang Ford Expedition..
Ano kaya ang pakiramdam ng mga magulang ni Isshi? What is to prevent them from thinking (o baka yun na talaga ang nasa isip nila) that Vandolf is a speed maniac behind the wheels.
Bakit hindi natin iisipin yan, mga kaibigan. Madalas akong dumaan dyan at talaga naman malaking construction meron dyan. Nandun na yung kalsada ay nagme-merge at kumikipot. Mga concrete slabs ang nakaharang na kayang bundulin, kaladkarin hangang malalag ka sa bangin. Hindi ba dapat mag-slow down ka?
Napabalita kasi na paspas ang takbo ni Vandolf. What else is new? Ang talagang masakit nito, mga taong walang kasalanan ang mga biktima sa mga vehicular accidents na kinasangkutan ni Vandolf.
Paano na yung pobreng MMDA na kasama sa mga magre-rescue dito sa anak ni Dolphy. Napahamak tuloy.
Narinig ko si Alma Morena na nagsasalita sa telebisyon. Sabi nito, almost zero visibility dahil malakas ang ulan. Tapos nanigas pa daw ang paa ni Vandolf. Hindi dahilan ito. Bakit mabilis ang kanyang takbo, ayon sa mga investigation reports. Ano ang nangyari sa mga naunang report na may nakuhang bote ng alak sa loob ng van ni Vandolf? Meron ba talaga? Nakainom ba itong si Vandolf?
Nakakatawa dahil habang panay ang salag ng ina ni Vandolf, naglabas ng interview kung saan sinasabing hindi si Vandolf ang nagmamaneho kundi may driver daw. Whew, wow, way to go! May maniniwala ba rito? After thought yata ito dahil lumipas ang mahabang mga oras bago inilutang ang ganitong pahayag.
Hindi yata nagkaroon ng story conference ang pamilyang ito. Hindi yata nabigyan ng script si Alma. Wala siya sa parehong pahina ng press release ng kampo ni Vandolf.
Sa kuwento ni Vandolph, hindi siya ang may hawak ng manibela. Meron daw siyang kasamang driver. Napaka-moderate daw ng takbo nila. Talaga?
Eh ano naman kaya itong kuwento ng isang tv reporter na sabi ni Vandolph nakita daw niya na may pakpak ang sasakyan niya at parang lumilipad habang pabulusok pababa hanggang sa maramdaman niyang nakalubog na sila sa tubig ? Noon ka lang kaya nahimasmasan ? Wala na ba ito?
Nakita ko si Dolphy na nagsasalita at gaya ng dati, puno nang pakumbaba, humingi pa ng patawad kung merong pagkakamali ang kanyang anak. Napagandang pakinggan. Ang hari ng comedya nagsusumamo at humihingi ng understanding.
Okay sana yan Dolphy, pero utang na loob, ilan na ba sa mga anak mo ang nasangkot sa mga hindi magandang insidente. Ang dami kasi nila. Saan pumapasok ang responsible parenthood?
Masakit man tanggapin, subalit ito ang katotohanan, Hindi sapat na ang isang ama ay magaling na provider. Kailangan din ng kanyang supervision upang magabayan ang kanyang mga anak sa kanilang paglaki.
Masisi ba natin ang mga magulang nito pasaway na si Vandolf na ito? Biente anyos na ang taong ito. Poor little rich boy syndrome? The color of his hair is reflective of what goes on in his mind. Mag-ingat ka Vandolf, hindi malayong magaya ka kay James Dean, isang Hollywood actor na namatay sa vehicular accident at the prime of his career. Wag sana, subalit kailangan mag slow down ka talaga. Get away from the fast lane that is the road to perdition.
Kakasuhan daw itong si Vandolf ng reckless imprudence resulting to physical injuries. Damage to property. Hindi na mangyayari yan dahil nagsalita na ang driver ng kotseng nabangga ni Vandolf na nakipag-ayos na siya. Si Dolphy mismo ang tumawag sa kanya.
Is Vandolf Quizon an accident looking for a place to happen? Ano ang opinion ninyo sa batang actor na ito. Sa kanyang mga magulang na sina Dolphy at Alma? Pabasa naman!
PARA SA ANUMANG COMMENTS AT REACTIONS, MAAARI KAYONG TUMAWAG SA 7788442. MAAARI DIN KAYONG MAG-TEXT SA 09213263166.