^

PSN Opinyon

Mag-ingat sa mga kumakalat na specimen money ng Central Bank II

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -
PINAG-IINGAT namin ang lahat sa mga perang inyong natatanggap kapalit ng anumang serbisyo o produkto n’yo.

Mag-ingat, mag-ingat, mag-ingat sa mga kumakalat na specimen money na gawa mismo ng Bangko Sentral ng Pilipinas. Ito ’yong mga lehitimong perang walang halaga. Makikita na puro zero ang mga serial number sa pera.

May mga sindikatong ang espesyalidad ay ang pagpapakalat ng specimen money. Binubura nila ’yong letrang nakasulat na ‘‘specimen money’’ sa P1,000 bill, P500 at P100.

Kapag burado na ’yong nakasulat na ‘‘specimen money’’ sa bills, tinatamper o binabago nila ’yong mga zero serial number. Nagagawa nilang palitan ang mga numerong zero sa mga sumusunod na number combinations tulad ng number 9, 8, 6, 3.

Kahit na mismo ang mga bangko na natin ay nabibiktima ng mga sindikatong nagpapakalat nito. Puwera na lamang kung idadaan ng bangko ang bawat bills sa ultra violet lamp, doon makikita na ito’y specimen money.

Sa ginawang imbestigasyon ng BITAG ang aming investigative team sa TV, kahit na mismo ang Bangko Sentral ng Pilipinas hindi alam kung ilan na ang mga naimprentang specimen money simula sa panahon pa ni dating Pangulong Marcos.

Si Mohammad, nakilala ng BITAG. Ipinakita nito ang kanyang galing hindi lang sa pagpapalit ng serial number ng specimen money, kundi pati na rin sa paggawa ng fake money noon.

Kung susuriin luma na ang estilo ni Mohammad. At marami ng mga tiwaling politikong nakinabang sa kanyang galing. Patok na patok daw ang kanilang raket kapag panahon na ng halalan.

Ginagamit ng mga tarantadong mga pulitikong ipamudmod ang mga fake money na gawa nila Mohammad sa mga botanteng ka- nilang binibili ‘nong panahon ni Marcos hanggang sa panahon ni Cory?

Itutuloy…

BANGKO SENTRAL

BINUBURA

GINAGAMIT

MOHAMMAD

MONEY

PANGULONG MARCOS

PILIPINAS

SI MOHAMMAD

SPECIMEN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with