Good news para sa magniniyog
August 30, 2004 | 12:00am
TEKA, bago mo putulin yang puno ng niyog at ibentang coco-lumber, pag-isipan muna: Wala na ba talagang pakinabang yan, o magbubunga pa at magpapasok ng mas malaking kita?
Kasi, bumabangon na muli ang coconut industry. Nito lang unang semester $391 milyon ang kinitang exports ng coconut products, 11% talon mula sa unang anim na buwan nung 2003. Kung tutuusin, bumaba ang export volume nang 13.5%, pero sumipa naman ang presyo nang 36%, kaya tumiba ang processors ng coconut oil at iba pang produktong niyog. Dahil ito sa malaking demand sa mundo, na hindi naman mapunuan ng Pilipinas. Ang presyo nga ng kopra nung 2001 ay P2/kilo lang, pero pumalo nang P26 nung unang semester bago mag-stabilize sa P18 nitong ani ng Agosto.
Sayang kung puputulin basta ang mga puno ng niyog pero hindi papalitan ng bagong varieties na mabilis lumaki at mayabong mamunga. Kinikilala na rin kasi ng mundo ang "puno ng buhay" ng Pilipino. Putok ngayon ang paggamit sa niyog para pamalit sa gamot. Ang virgin coconut oil ay panglunas sa mga sakit sa kalamnan at balat, at maaring sagot sa HIV. Putok din ang coco-biodiesel, P65 kada litro, bilang fuel additive. Sa Pilipinas, kalahating litro lang kada full tank ng jeepneys, lumilinis na ang buga sa tambutso at pumipino ang takbo. Sa ibang bansa 20% ang hinihinging halo dahil sa higpit ng mga clean-air laws nila.
At marami pang ibang produkto ngayon na gawa sa buko, niyog, at bao. Bukod sa juice, ginagamit ang buko bilang sahog sa mga de-lata. Ang langis-niyog ay ginagawa ring 2T oil sa tricycle, pintura, detergent, sabon, at industrial chemicals, at ang kopra ay pang cosmetics. And bao ay uling sa mga pabrika. At ang fiber ay palaman sa mattress, sofa, at car seats, o kaya pang floor mat at tela. Ang coir nga, 200,000 tonelada ang export kada taon, pero 1.2 milyon tonelada ang demand. Sa China kasi, ginagamit ito para sugpuin ang pagkain ng disyerto sa lupang taniman.
Nagkakapag-asa ang 3.5 milyon magniniyog sa 79 ng 82 probinsiya.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended