Kuryenteng balita
August 30, 2004 | 12:00am
NGAYOY alam na ng marami ang kahulugan ng "kuryenteng" balita na datiy pawang mga mamamahayag lang ang nakauunawa. Mga balitang nailathala sa mga diyaryo o naibalita sa radyo at telebisyon na hindi naman pala totoo.
Mayroon din namang literal na kuryenteng balita. Halimbawa, nang nangangampanya si Presidente Gloria Arroyo sa nakalipas na eleksyong pampanguluhan, ang isa sa mga campaign promises niya ay ibababa ang presyo ng elektrisidad. In the literal sense, talagang balitang kuryente iyan. May kinalaman kasi sa elektrisidad.
Pero itoy nagkaroon ng balbal" o kolokyal na kahulugan dahil ang pahayag na ito ng Panguloy hindi nagkatotoo ayon sa inaasahan ng kanyang mga pinangakuan. Sinasabi niya ngayon na hindi siya sisira sa kanyang pangako pero ang pagbaba ng halaga ng elektrisidad ay magaganap pagpanaog niya sa tungkulin. Anim na taon mula ngayon!
Kunsabagay, totoo ang sinabi ng Pangulo. There are no overnight solutions kung ang pag-uusapan ay ang tumataas na halaga ng elektrisidad.
Nananawagan siya sa taumbayan na unawain ang kanyang katayuan lalo na sa harap ng matinding krisis pinansyal na kinakaharap ng bansa.
Okay iyan, pero kagatin kaya ng naghihirap na mamamayan ang kanyang paliwanag? Ang natatandaan ng taumbayan ay ang kanyang depinidong pangako. Aniyay ibababa niya ang halaga ng elektrisidad. Isa sa mga rason iyan kung bakit ibinoto siya ng marami nating kababayan.
Eksperto sa ekonomiya ang Pangulo. Or at least that is her image before the people. Economic guru. Kaya bago mag-eleksyon, pinaniwalaan siya ng taumbayan na nag-akalang may basehan ang kanyang pahayag at hindi lang isang empty rhetoric na naglalayong umani ng boto.
It turned out na ganyan na nga ang kanyang deklarasyon, isang pangakong napako ng isang politiko.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended