^

PSN Opinyon

Gunitain ang mga bayani

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
NGAYON ay National Heroes Day. Bigyang pugay natin ang ating mga bayani at sa pitak na ito ay ating pararangalan ang ilang bayani ng lahi ng hindi kasing sikat at dinadakila gaya nina Rizal at Bonifacio. Si Francisco Baltazar na mas kilala bilang ‘‘Balagtas’’ ay prinsipe ng makatang Pilipino. Ang kanyang obra ay ang ‘‘Florante at Laura.’’ Si Marcelo Adonay ay tinaguriang pinaka-mahusay na Filipino Church musician noong mid-19th century. Siya’y taga-Pakil, Laguna. Si Teodora Alonso, ang ina ni Jose Rizal, ay isinilang sa Maynila noong 1827. Namatay siya noong Agosto 16, 1911. Bukod kay Jose ang anak niyang si Paciano Rizal ay isa ring bayani ng himagsikan.

Noong 1884 nanalo ng medalyang ginto si Juan Luna sa kanyang obrang ‘‘Spolarium’’. Naging silver medalist naman si Felix Resurreccion Hidalgo sa kanyang ipinintang ‘‘Las Vingeres Christianas Expuesto al Populacho.’’

Tinaguriang ‘‘defender of Filipino honor’’ si Jose Maria Panganiban na isa sa mga sumulat sa La Solidaridad. Ang dating Mambulao, Camarines Norte ay pinangalanang Jose Panganiban bilang pagdakila sa bayani na sa gulang na 27 ay namatay sa TB. Si Mariano Ponce na kasama nina Panganiban sa La Solidaridad ay isa sa mga lumagda sa Malolos Constitution.

CAMARINES NORTE

FELIX RESURRECCION HIDALGO

FILIPINO CHURCH

JOSE MARIA PANGANIBAN

JOSE PANGANIBAN

JOSE RIZAL

JUAN LUNA

LA SOLIDARIDAD

LAS VINGERES CHRISTIANAS EXPUESTO

MALOLOS CONSTITUTION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with