^

PSN Opinyon

Pagpili ng lugar sa hapag-kainan

ALAY-DANGAL - Jose C. Blanco S.J. -
HINDI lamang tungkol sa tamang asal ang itinuturo ni Jesus kundi pati na rin ang tungkol sa pagpapakumbaba. Kababaang-loob sa harap ng napakaraming biyayang ipinagkakaloob ng Diyos sa atin. Basahin ang talinghaga (Lk.14:1,7-11).

Isang Araw ng Pamamahinga, inanyayahan si Jesus na kumain sa bahay ng isang pinuno ng mga Pariseo; at binabantayan nilang mabuti ang kanyang mga kilos.

Napansin ni Jesus na ang pinipili ng mga inanyayahan ay ang upuang nakalaan sa mga piling panauhin. Kaya’t sinabi niya ang talinghagang ito: "Kapag inanyayahan ka ninuman sa isang kasalan, huwag mong pipiliin ang tanging upuan. Baka may inanyayahang lalong tanyag kaysa iyo. At lalapit ang nag-anyaya sa inyong dalawa at sasabihin sa iyo, "Maaari bang ibigay ninyo ang upuang iyan sa taong ito?" Sa gayo’y mapapahiya ka at doon malalagay sa pinakaabang upuan. Ang mabuti, kapag naanyayahan ka, doon ka maupo sa pinakaabang upuan, sapagkat paglapit ng nag-anyaya sa iyo ay kanyang sasabihin, "Kaibigan dini ka sa kabisera." Sa gayon, nabigyan ka ng malaking karangalan sa harapan ng mga panauhin. Sapagkat ang nagpapakataas ay ibababa, at ang nagpapakababa ay itataas."


Uulitin ko: Hindi ito ukol sa tamang asal. Hindi natin dapat ipalagay na karapat-dapat tayong itrato na may pagpipitagan. Kung tayo’y may paggalang sa sarili, tayo ay itatrato nang may paggalang. Itinataas ng Diyos tanging yaong taong may pagpapakumbaba sa harap ng Diyos. Tinatanggap ng tao na siya ay walang anumang karapatan sa mga mata ng Diyos.

Sa harap ng Diyos, ang tao ay isang nilikha lamang. Wala siyang maaaring maipagmalaki. Kung tinatanggap ng tao ang kanyang kawalan, malayang maibubuhos ng Diyos ang kanyang mga handog sa mapagpakumbabang tao. Hindi yaon, kung baga, mga sahod na utang, kundi mga tanda ng pagmamahal ng Diyos.

BASAHIN

DIYOS

ISANG ARAW

ITINATAAS

KABABAANG

KAIBIGAN

KAPAG

KAYA

LK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with