Pinangunahan ni P/Sr. Inspector Joselito Sta. Teresa, hepe ng WPD/DPIU matapos na ireklamo ni Joy Garcia sina PO1 Ashley Gamulo, nakatalaga sa District Headquarter Support Group ng Souther Police District At PO1 Raymund Sabino ng Regional Headquarter Support Group, National Capital Region Police Office, Camp Bagong Diwa, Bicutan ng agawin ang kanyang cell phone habang siya ay naglalakad sa loob ng isang mall.
Tinakot ng dalawang kawatang pulis si Joy at pilit na hiningian ng P2,000.00 kapalit ng kanyang cell phone na model 7250 at inatasan siya na dalhin ang naturang halaga sa isang Fast Food sa may panulukan ng Vito Cruz at F.B. Harrison, Malate, Manila. Lingid pala sa kaalaman ng dalawang kawatang pulis, ay humingi ng tulong ang bik-tima kay P/Sr. Insp. Sta. Teresa at agad na isinagawa ang intrapment.
Nabigla na lamang ang dalawang kawatang pulis nang matanggap ang halagang kanilang hiningi ay dinakma naman sila ng mga pulis na naka-civilian uniform at agad na dinala sa WPD Headquarters sa United Nation Avenue, Ermita, Manila. Nataranta at nahintakutan ang dalawang sira ulong pulis nang ipasok sila sa loob ng selda. Nagmakaawa ang dalawang pulis kay Sta. Teresa at sa biktima. Nabahag ang buntot ng dalawang kawatang pulis, he-he-he! Buti nga sa inyo! Para di na kayo pamarisan.
Isa pang pulis ang makakasama nila sa kulungan mga suki, matapos na pormal na ireklamo nina Elizabeth Paglinawan at Manila Fiscal Alexander Ramos ng office of Assistant City Prosecutor si PO2 Julius Garcia ng Tayuman, Tondo PCP.
Ayon naman sa reklamo ni Paglinawan, inagaw umano ni PO2 Garcia ang kanyang hawak na cell phone habang nakatayo siya sa tabi ng opisina ni Fiscal Ramos, (naka pila si Paglinawan para i-inquest ni PO2 Christian Catahumber) habang si Catahumber ay lumabas ng opisina ni Fiscal Ramos upang hanapin ang complainant.
Si Fiscal Ramos naman ay nagalit ng kanyang malaman na inagaw nga ni Garcia ang cell phone ni Paglinawan at doon mismo sa kanyang opisina. Siyempre galit na galit si Fiscal sa ginawa ni Garcia na pambabastos nito sa loob ng kanyang opisina. Kita nyo mga suki, asal ba ng isang pulis yang ginawa ni Garcia? Walang pinipiling lugar ang kumag na si Garcia, he-he-he!
Ang lakas din naman ng apog at kapal ng mukha ni Garcia, ano mga suki? Hindi na ginalang ang integridad ng hustisya at ni Fiscal Ramos. At dahil sa pangyayari agad na ipinag-utos ni Fiscal Ramos kay P/Supt. Romulo Sapitula, hepe ng WPD-Police Station 3 na sampahan ng kasong robbery si Garcia.
Maging si Sapitula palay hindi iginalang ni Garcia nang may dalawang beses itong ipinatawag upang isauli ang naturang cell phone at magbigay ng paglilinaw sa naturang insidente ngunit matigas itong nagsalita ng "Kasuhan na lang ninyo ako" at makalipas ang ilang araw ay sinauli ni Garcia ang cell phone sa isang desk officer nang malaman nitong sinampahan siya ng kaso.
O, hayan Gen. Aglipay ibilang mo na rin si PO2 Garcia sa sisibakin ninyo. Ang bababaw ng mga kaligayahan ng mga ito, mantakin nyo mga suki, ng dahil lamang sa cell phone nagawang ipagpalit ng mga kawatang pulis at ipag-palit ang kanilang sinumpa- ang tungkulin. Sa halip na sila ang magbigay ng mabuting ehemplo sa mamamayan sila pa ang gumagawa ng kabulastugan na sumisira sa imahe ng pulisya natin.