Naniniwala ako na marami pang dapat pagtuunan ng pansin si GMA para mapalaki ang pumapasok na pera sa kaban ng bansa. Dahil dito, lumolobo ang pagkakautang ng bansa. Kung hindi gagawa ng paraan si GMA, bangkarote ang ating bansa sa loob ng dalawa o tatlong taon.
Malaki ang maitutulong ng mga revenue centers na katulad ng BIR at Customs para mapaliit ang deficit. Ito ay kung pagbubutihin lamang nila ang collection. Corruption ang problema sa mga ahensiyang ito na dapat nang mabura.
Natuwa naman ako sa mga ipinahayag ni Bureau of Immigration Commissioner Alipio F. Fernandez Jr. nang huli kaming nag-usap. Sinabi niyang mahigpit ang kanyang ginagawang pamamalakad upang mabilis na malinis niya ang pangalan ng BID kasabay ng pag-angat ng magaling na pagseserbisyo nila sa publiko. May paniwala siya na malaki ang magiging kontribusyon ng kanyang bureau sa pag-unlad ng ating bansa.
Sana ay marami pang matataas na opisyal ng pamahalaan na magsikap para umasenso ang ating bansa lalo na sa panahong ito na patuloy tayo sa paglubog at paghihirap.