Benepisyo sa Pag-IBIG

Dear Sec. Mike Defensor,

Ako ay 29 taong gulang, walang asawa at may maliit na negosyo dito lamang sa aming bahay. Gusto ko sanang maging miyembro ng pag-IBIG dahil marami raw po ang benepisyo rito. Maaari po ba akong maging miyembro ng Pag-IBIG kahit ako po ay self-employed? Saan po ba ako maa-aring tumawag at makipag-ugnayan?

Maraming salamat. Mabuhay ka at sana ay hindi ka magsawang tumulong sa mahihirap na tulad ko. – ELENITA M. ng Pasay


Maaari kang maging miyembro ng Pag-IBIG Fund bilang self-employed individual. Kapag self-employed ang kategorya ng isang miyembro kakailanganing magprisinta ng Income Tax Return, business permit, magsusumite ka rin ng 1x1 ID picture at lalagda sa membership data form.

Ang ilang benepisyo sa Pag-IBIG Fund ay multi-purpose loan sa panahon ng pangangailangan, housing loan na pambili ng bahay at lupa o pampatayo ng bahay at iba pa.

Para sa karagdagang impormasyon maari kang tumawag sa telepono bilang 811-4014.

Show comments