^

PSN Opinyon

EDITORYAL – Ipakita ng PNP na di sila ningas-kugon

-
POLICE visibility ang kailangan ngayong panahong talamak na ang kriminalidad. Sa hirap ng buhay na dinaranas ngayon ng mamamayan at idadagdag pa ang pagkatakot sa mga holdaper, snatcher, mandurukot at rapist, masyado nang pahirap ito at baka marami na ang masira ang ulo sa pag-iisip kung paano makaliligtas paglabas ng kanilang bahay. Sa isang survey na isinagawa kamakailan, lumabas na marami na ang ayaw lumabas ng kanilang bahay pagkagat ng dilim sapagkat natatakot mabiktima ng mga holdaper at iba pang masasamang loob. Marami na ang nagka-phobiang sumakay sa jeepney sapagkat karaniwang ito ang sinasalakay ng mga holdaper. At wala nang takot ang mga holdaper o snatcher sapagkat kahit sa kasikatan ng araw ay sasalakay. Masyado nang malakas ang kanilang loob. Mas nakatatakot na matapos holdapin ang biktima, sasaksakin pa o babarilin.

Matagal nang pangarap ng mamamayan na madurog ang kriminalidad para maging ligtas sila sa anumang oras habang nasa kalye, nasa loob ng pampublikong sasakyan, malls, palengke at iba pang pampublikong establisimiyento. Pero lagi silang bigo sapagkat ang mga namumuno sa Philippine National Police (PNP) ay mahusay lamang sa pangako. Maraming ipinangako si dating PNP chief Dir. Gen. Hermogenes Ebdane Jr. subalit karamihan sa mga ipinangako niya ay napako. Tumaas ang kriminalidad sa panahon ng panunungkulan niya. Lumaganap ang bentahan ng illegal na droga, naging talamak ang holdapan sa banko, jeepney, FX at buses. At mas nakadidismaya, kasangkot pa ang mga "bugok" na miyembro ng PNP sa maraming illegal na aktibidad. Maraming PO1s, PO2s ang nasangkot sa hulidap, pangongotong, pangsa-salvage at iba pa.

Wala na si Ebdane at humalili bilang PNP chief si Dir. Gen. Edgardo Aglipay. Marami ring pangako si Aglipay at isa riyan ang police visibility. Kailangang ikalat ang pulis sa maraming lugar para maprotektahan ang mamamayan. Una nang ipinakalat ni Aglipay sa mga palengke ang mga pulis noong Miyerkules. Okey ito. Sana’y hindi ningas-kugon. Mas maganda kung pati sa mga pampasaherong jeepneys at buses ay magtalaga ng mga pulis para madakma o mapatay ang mga salot na holdaper. Kagaya ng ginawa ng isang pulis-Mandaluyong kamakailan na tatlong kilabot na holdaper ang kanyang napatay. Paglakarin ang mga pulis sa mga madidilim na lugar sapagkat iyan ang paborito ng mga holdaper, rapist, snatcher at mga addict.

Sana’y tuluy-tuloy ang ningas, General Aglipay.

AGLIPAY

EDGARDO AGLIPAY

GENERAL AGLIPAY

HERMOGENES EBDANE JR.

HOLDAPER

MARAMI

MARAMING

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

SANA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with