Jaylo,ibabaon ang mga illegal recruiters
August 26, 2004 | 12:00am
NAGBABALA kahapon si Director Rey Jaylo, bossing ng Presidential Anti-Illegal Recruitment Task Force, sa mga gagong recruiters na baguhin na ang sistema ng pamumuhay nila.
Ika nga, si Satanas ang makakausap nila sa impiyerno kapag minalas-malas sila.
Si Jaylo ay dumalo sa Bulong-Pulungan ng NAIA Press Corps Inc. para pag-usapan ang bagong tungkulin na iniatang sa kanya ni Prez Gloria Macapagal-Arroyo.
May 36 illegal recruiters na pala ang ikinalaboso ni Jaylo mula nang manungkulan ito may isat kalahating buwan na ang nakakaraan.
Lahat pala ng may kaso sa PAIRTF ay dinidinig ng korte para mapatawan ng kaukulang parusa ang mga buwitreng bumibiktima ng mga OFWs.
Sa kuwento ni Jaylo, personal niyang pina-follow-up ang mga gagong nahuli nila maging sa Korte ay di niya tinatantanan ang mga ito para magtanda.
Ayon kay Jaylo, walang aregluhan sa mga illegal recruiters gusto niya sampulan ang mga gago para mabulok sa karsel.
Hindi pala nagbibiro si Jaylo na ibabaon niya ang mga kamote oras na hindi sila nagbago ng linya.
May magandang coordination si Jaylo sa POEA, DFA, Bureau of Immigration at maging sa NBI para labanan ang mga mangdedenggoy.
Aabangan din ng grupo ni Jaylo sa NAIA ang mga na-deport na mga OFWs, maging ito ay dokumentado o hindi para alamin ang mga gagong nag-recruit sa kanila.
"May problema lang si Jaylo," sabi ng kuwagong fixer sa POEA.
"Ano?" tanong ng kuwagong haliparot
"Wala pang pondo ang PAIRTF kaya hirap silang mag-operate sa mga probinsiya," anang kuwagong SPO-10 sa Crame.
"Si Prez Gloria ang kalampagin natin tungkol sa funding ng PAIRTF."
"Oo nga pala, dahil isa sa pet project ni Prez GMA ito," sabi ng kuwagong Kotong cop.
"Siguro dapat nang ilabas ng DBM ang pondo ng PAIRTF."
"Iyan kamote ang itanong natin kay Sec. Boncodin."

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am