Tinuligsa ni Jesus ang mga Eskribat Pariseo sa pagiging mapagpaimbabaw (Mt. 23:27-32).
"Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Pariseo! Mga mapagpaimbabaw! Ang katulad ninyoy mga libingang pinaputi, magaganda sa labas, ngunit sa loob ay puno ng kabulukan at buto ng mga patay. Ganyang-ganyan kayo! Sa paningin ng taoy mabubuti kayo, ngunit ang totoo, punung-puno kayo ng pagpapaimbabaw at kasamaan."
"Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Pariseo! Mga mapagpaimbabaw! Ipinagtatayo ninyo ng mga libingan ang mga propeta at ginagayakan ang mga puntod ng mga taong namuhay nang matuwid. At sinasabi ninyo, "Kung kami sanay nabuhay sa kapanahunan ng aming mga ninuno, hindi namin ipapapatay ang mga propeta." Sa sinabi ninyong iyan, inaamin ninyong kayoy mga anak ng mga nagpapatay sa mga propeta! Sige! Tapusin ninyo ang pinasimulan ng inyong mga ninuno!"
Makabubuti para sa atin na suriin ang mga sarili kung tayo ba ay mga mapagpaimbabaw. Nagsusuot ba tayo ng mga maskara upang itago ang ating kabulukan? Ano ang maaari nating gawin upang alisin ang pagka-mapaimbabaw? Tanggapin natin ang katotohanan hinggil sa ating mga sarili. Manalangin sa Panginoon na pagalingin tayo mula sa mga pangamba at kawalang-katotohanan.
Sa ganooy magkakaroon tayo ng kapayapaan, kagalakan sa ating kalooban at paggalang sa sarili. Mas ganap at kagalang-galang tayong makakaharap sa ibang tao. Narito si Jesus upang pagalingin tayo sa ating pagpapaimbabaw.