^

PSN Opinyon

Ang nakapinid na pintuan

ALAY - DANGAL - Jose C. Blanco S.J. -
SA kapanahunan ni Jesus mainit na pinagtatalunan kung ilan ang maliligtas. Tinanong si Jesus tungkol dito. Ang kanyuang tugon ay hindi lamang para doon sa mga nakakarinig sa kanya. Ito rin ay para sa atin.

Isinalaysay sa atin ni Lukas ang pangyayari (Lk.13:22-30).

Nagpatuloy si Jesus sa kanyang paglalakbay. Siya’y nagtuturo sa bawat bayan na kanyang dinaraanan patungong Jerusalem. May isang nagtanong sa kanya, "Ginoo, kakaunti po ba ang maliligtas?" Sinabi niya, "Pagsikapan ninyong pumasok sa makipot na pintuan. Sinasabi ko sa inyo, marami ang magpipilit na pumasok ngunit hindi makakapasok.

"Kapag ang pinto’y isinara na ng puno ng sambahayan, magtitiis kayong nakatayo sa labas, at katok nang katok. Sasabihin ninyo, "Panginoon, papasukin po ninyo kami." Sasagutin niya kayo, "Hindi ko alam kung tagasaan kayo!" At sasabihin ninyo, "Kumain po kami at uminom na kasalo ninyo, at nagturo pa kayo sa mga lansangan namin." Sasabihin naman ng Panginoon, "Hindi ko alam kung tagasaan kayo! Lumayo kayo sa akin, kayong lahat na nagsisigawa ng masama!" Tatangis kayo at magngangalit ang inyong ngipin kapag nakita ninyong nasa kaharian ng Diyos sina Abraham, Isaac at Jacob, at ang lahat ng propeta, at kayo nama’y ipinagtabuyan sa labas! At darating ang mga tao buhat sa silangan at kanluran, sa hilaga at timog, at dudulog sa hapag sa kaharian ng Diyos. Tunay ngang may nahuhuling mauuna, at may nauunang mahuhuli."


Hindi kailanman idineklara ni Jesus na may mga taong talagang walang-hanggang mawawala o di-maliligtas. Ang binanggit niya ay ang posibilidad na maaaring mawala o di-maligtas. Ang ipinahayag naman ni San Pablo ay: Na nais ng Diyos na lahat ng tao ay maligtas.

Subalit nakasalalay sa bawat isa sa atin kung nais nating maligtas o hindi. Ito ang sinabi ni San Agustin: "Nilikha tayo ng Diyos na wala tayo. Subalit hindi Niya tayo maaaring iligtas na hindi tayo kasama." Nangangahulugan, hindi tayo tinanong ng Diyos kung nais ba nating maging tao. Ganap na nasa kanyang kalooban at pagmamahal na likhain tayo. Subalit hindi tayo maaaring iligtas ng Diyos kung ating tatanggihan ang maligtas. Dapat nating tanggapin ang handog na pagmamahal ng Diyos at pakikiisa sa kanya.

DIYOS

KAYO

PANGINOON

SAN AGUSTIN

SAN PABLO

SASABIHIN

SUBALIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with