^

PSN Opinyon

Batas ng mahirap iba sa mayaman

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
THANK YOU very much, Mrs. Teresa Ocampo sa ipinadala mong sulat sa Dear Editor ng PSN, tungkol sa pagpuna mo sa mga kuwago ng ORA MISMO, dahil dehins mo pala maintindihan ang ibang salitang ginagamit ng Chief Kuwago.

Isang karangalan para sa mga kuwago ng ORA MISMO, ang sulat na ipinarating mo.

Iba kasi ang istilo ng Chief Kuwago, sa ibang kolumnista.

Ang Chief Kuwago kasi ay may pagkamasa at gumagamit ng mga salitang kalye kung dehins mo maintindihan alaws na akong magagawa doon.

Pero nakakatiyak ang mga kuwago ng ORA MISMO, na mas marami ang nakakaintindi kaysa sa hindi alam kong trabaho mo ang magturo at trabaho ko naman ang sumulat ng kolum sa madaling salita. Ma’am magkaiba tayo ng mundo pero ganoon pa man Muchas Gracias!
* * *
Ang isyu, nangawit na yata ang timbangan ng katarungan sa kaso ng Jaworski versus Yap mukhang nagkaroon ng gilingan kaya napabilis ang resolution.

Sabi nga, close case.

Parang WALA LANG!

Away bata lang daw ang barilan.

Eighty one shell ng bullets ang napulot sa crime scene ng mga rakpadudels tumagal ng halos 10 minutes ang ratratan may tinamaan tao at nagkabutas-butas ang ibang sasakyang nakaparada.

Away bata ang ratratan, he-he-he!

Kaya naman nanggagalaiti sa inis si DILG bossing Angie Reyes dahil sarado na ang kaso.

High powered guns ang ginamit, mayayaman tao ang sangkot bukod pa sa dami ng dagang nagtakbuhan sa kani-kanilang lungga habang nagraratratan ang dalawang panig, tapos walang kaso?

‘‘Kung sa mahihirap kaya nangyari ang kasong ito ano kaya ang gagawin sa kanila?’’ tanong ng kuwagong sepulturero.

‘‘Tiyak nakakulong ang dalawang panig kung anu-anong kaso ang ipapatong dito,’’ sagot ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

‘‘May special touch kasi sila kaya naman ingat na ingat ang mga rakpa sa imbestigasyon,’’ sabi ng kuwagong Kotong cop.

‘‘Iyan ang hirap sa batas sa Pinas madaling mabutas?’’

‘‘Kaya nga for re-investigation ang utos ni Angie Reyes sa kaso.’’

‘‘May mangyayari kaya?’’

‘‘Iyan ang abangan natin, kamote.’’

ANG CHIEF KUWAGO

ANGIE REYES

CHIEF KUWAGO

CRAME

DEAR EDITOR

ISANG

IYAN

KAYA

MRS. TERESA OCAMPO

MUCHAS GRACIAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with