^

PSN Opinyon

Maraming nadismaya sa bagong cabinet members

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -
PANAY patayan, kidnapping, robbery, terrorism, drugs, rape, awayan ng mga pulitiko at iba pang klase ng kriminalidad ang mababasa sa diyaryo at mapapanood sa tv. Hahaluan pa ito ng mga balita tungkol sa pornograpiya, prostitution at marami pang iba.

Ilang president na ng Pilipinas ang nangakong susupilin ang mga ito. Subalit, sa halip na mawala o mabawasan, lalo pang sumidhi at nadagdagan pa ang mga ito.

Ang mga ito ang dapat tutukan ng pamahalaang Arroyo. Maliban sa mga ito, dapat ring harapin ni President Arroyo ang iba pang mga malalaking problema ng bansa. Marami pa rin ang nagugutom, at walang hanapbuhay. Kailangan pang mangibang bansa para makapagtrabaho.

Maganda ang mga plano ni Arroyo sa bansa. Subalit kailangan niya ang mga magagaling na katulong sa pagpapatakbo ng pamahalaan. Ngayo’y binabantayan ng taumbayan ang mga inilalagay ni Arroyo sa kanyang bagong Gabinete.

Pero, dismayado ang taumbayan. Mali- ban sa appointment ni Sec. Ed Ermita bilang Exec. Sec. at Sec. Bert Romulo sa Department of Foreign Affairs, ang iba raw ay question mark. Sinasabi nila na ang ibang appointment ay pambayad-utang lamang at hindi batay sa tunay na kuwalipikasyon. Mrs. President, may pangako ka sa mamamayang Pilipino na iaangat ang kalagayan ng bansa. Ikaw ang mananagot sa taumbayan sa mga magiging aksyon ng mga taong itinatalaga mo.

BERT ROMULO

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

ED ERMITA

GABINETE

HAHALUAN

IKAW

MRS. PRESIDENT

PRESIDENT ARROYO

SUBALIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with