^

PSN Opinyon

Nagtayo ng bahay sa lote ng iba

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison -
KASO ito ng mag-asawang Erning at Emma. Noon nililigawan pa ni Erning si Emma, naging paborito na siya ng ina ni Emma. Kaya, bago pa man sila ikasal ay nangako na ang Biyenang babae na makakapagpatayo sila ng bahay sa 145 square meters na lote nito sa Parañaque.

Nagpatayo agad si Erning ng bahay sa nasabing lote na nagkakahalaga ng P40,000. Lingid sa kaalaman ni Erning, hindi pala nakapangalan sa kanyang biyenan ang nasabing lote kundi kina Mr. at Mrs. Santos. Bukod dito, naipagbili na ng mag-asawang Santos ang lote kay Len sa halagang P16,000.

Nagulat si Erning nang isang araw ay kinasuhan na pala siya ni Len ng ejectment o sapilitang pag-alis. Subalit tumangging umalis si Erning. Hiniling niya kay Len na bayaran nito ang bahay nila sa halagang P40,000. Hindi pumayag si Len na bilhin ang bahay o ipagbili ang lote kay Erning. Ang gusto ni Len ay gibain na ni Erning ang bahay nito. Tama ba si Len?

MALI.
Si Erning na may-ari ng bahay ay isang builder in good faith o nagtayo sa lupa ng iba na walang kamalayang may depekto pala ang titulo nito. Nagtayo ng bahay si Erning ng may mabuting hangarin kung saan naging basehan niya ang salita ng kanyang biyenang babae.

At dahil builder in good faith si Erning, may karapatan siyang manatili sa lupa hangga’t hindi siya binabayaran ng P40,000 ni Len. Samantala, si Lenny ay may option na bilhin ang bahay o ipagbili ang kanyang lote kay Erning. Hindi niya maaaring ipagkait lahat ito kay Ernie (Sarmiento vs. Agana 129 SCRA 122).

AGANA

BAHAY

BIYENANG

BUKOD

ERNIE

ERNING

HINILING

LEN

MRS. SANTOS

SI ERNING

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with