Ang lupa ba ay may titulo o Transfer of Certificate of Title at walang ibang nakarehistrong pananagutan? Ang klasipikasyon sa gamit ba ng lupa ay para sa tira- han (residential?) Kung hindi kailangan ng paglilipat ng gamit nito (land conversion). Meron na bang nakasulat na layunin (intent to sell) ng may-ari upang ibenta ang lupa at layunin ng asosasyon o samahan upang bilhin ito? Ilan lamang ito sa mga katanungang masagot sa simula ng proseso ng CMP.
Base sa sulat ni EIG ng Cavite, inilapit ng asosasyon ang kanilang problema sa Urban Housing sa Munisipyo ng Taguig. Sa aking palagay ay gagawin nilang originator ang Munisipyo ng Taguig. Pumayag na ba ang munisipyo na ito ang maging originator? Kapag hindi ay maaaring makipag-ugnayan sa CMP Office upang makakuha ng listahan ng mga accredited originators.
Sa ilalim ng CMP ang asosasyon ay uutang upang pandagdag na pambayad sa may-ari ng lupa. Ang pagbabayad dito ay sa pagitan ng buwanang amortisasyon ng mga pamilyang benepisyaryo. Ang interes sa pautang ay may tubo na 6 percent lamang bawat taon at ito ay maaaring hulugan ng hindi hihigit sa 25 taon.
Para sa karagdagang impormasyon at para sa iyong mga katanungan, mangyari lamang na tumawag sa telepono bilang sa CMP Office 892-5760. Malugod kayong tutulungan at pagpapaliwanagan sa proseso at iba pang kakailanganin para sa CMP.