^

PSN Opinyon

Masaklap na karanasan sa Europhil (Final Chapter)

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
NAGALIT ang kapamilya ng mga kuwago ng ORA MISMO sa Europhil nang bawasan ng P3,600 ang P41,000 tsekeng downpayment para sa stereong sira na dapat palitan daw ng kompanya.

Pero sinabi ni Winston King, kapatid ni Simon ang stereo ng tsikot ng kapamilya ng mga Kuwago ng ORA MISMO, ay hindi dapat palitan kundi ang cluster at iba pang spare parts ang palitan muna para malaman kung sira nga ang radyo dahil ito ang advice sa kanila ng Germany.

Ubod ng tagal at nainip sa kahihintay ang kapamilya ng mga kuwago ng ORA MISMO, para aksyunan ng Europhil ang kanyang tsikot kaya napilitan na dahil sa ibang kompanya ang MB C-240, para gawin.

Mas mura ang naging quotation ng ibang kompanya sa Mercedes Benz C-240. Sa puntong ito kinuha ng kapamilya ng mga kuwago ng ORA MISMO ang P41,000 tseke dahil wala nang interes itong ipagawa sa Europhil.

Nainip kasi sa kahihintay ang kapamilya ng mga kuwago ng ORA MISMO, na gawin ang kanilang tsikot sa Europhil dahil nakapila raw ang placement order ng huli sa Germany.

Sinabi ni Simon King, ang tsekeng downpayment ay babawasan nila ng P3,600 bilang bayad sa cable fees sa Germany.

Wala namang ibinigay na resibo ang Europhil sa kapamilya ng mga kuwago ng ORA MISMO, para sa cable charges na sinasabi nito.

Nanggagalaiti sa galit ang kapamilya ng mga kuwago ng ORA MISMO dahil dito.

"Bakit ganito ang style ng Europhil?" tanong ng kuwagong sepulturero.

"Ewan ko," sagot ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

"Bahala na kayong humusga rito."

‘Basta ang mapait na karanasan ng mga kapamilya ng mga kuwago ng ORA MISMO ay ipinaaabot natin sa mga readers ng ORA MISMO.

BAHALA

EUROPHIL

KAPAMILYA

KUWAGO

MERCEDES BENZ C

MISMO

ORA

SIMON KING

WINSTON KING

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with