^

PSN Opinyon

Habag ng Diyos para sa lahat

ALAY - DANGAL - Jose C. Blanco S.J. -
ISINAMA ni Jesus sa kanyang ministri ang mga babaing prostitute, ang mga pulubi, mga Samaritano at mga taga-kolekta ng buwis. Sa ibang salita, si Jesus ang pang-abot ng Diyos sa lahat ng tao. Ang hinahanap lang niya ay ang kanilang pagiging bukas.

Narito ang paraan ng pagtugon ni Jesus sa reklamo ng ilang mga manggagawa na nag-isip na sila’y dapat makatanggap nang mas higit kaysa iba (Mt. 20:1-16).

Ang paghahari ng Diyos ay katulad nito: Lumabas ng umagang-umaga ang may-ari ng ubasan upang humanap ng mga manggagawa. Nang magkasundo na sila sa upa na isang denaryo maghapon, sila’y pinapunta niya sa kanyang ubasan. Lumabas siyang muli nang mag-iikasiyam ng umaga at nakakita siya ng iba pang tatayu-tayo lamang sa liwasang-bayan. Sinabi niya sa kanila, "Pumaroon din kayo at magtrabaho sa aking ubasan, at bibigyan ko kayo ng karampatang upa." At pumaroon nga sila. Lumabas na naman siya nang mag-iikalabindalawa ng tanghali at nang mag-iikatlo ng hapon, at gayon din ang ginawa niya. Nang mag-iikalima ng hapon, siya’y lumabas uli at nakakita pa ng mga ibang wala ring ginagawa. Sinabi niya sa kanila, "Bakit kayo tatayu-tayo lang dito sa buong maghapon?" "Wala pong magbigay sa amin ng trabaho, e!" sagot nila. At sinabi niya, "Kung gayon, pumaroon kayo at gumawa sa aking ubasan."

"’Pagtatakip-silim, sinabi ng may-ari ng ubasan sa kanyang katiwala, "Tawagin mo ang mga manggagawa at sila’y upahan, magmula sa huli hanggang sa unang nagtrabaho." Ang mga nagsimula nang mag-iikalima ng hapon ay tumanggap ng tig-iisang denaryo. At nang lumapit ang mga nauna, inakala nilang tatanggap sila nang higit doon; ngunit ang bawat isa’y tumanggap din ng isang denaryo. Pagkatanggap nito, nagreklamo sila sa may-ari ng ubasan. Sabi nila, "Isang oras lang pong gumawa ang mga huling dumating, samantalang maghapon kaming nagpagal at nagtiis ng nakapapasong init ng araw. Bakit naman po ninyo pinagpare-pareho ang upa sa amin?" At sinabi niya sa isa sa kanila, "Kaibigan, hindi kita dinadaya. Hindi ba’t nagkasundo tayo sa isang denaryo? Kunin mo ang ganang iyo, at umalis ka na. Maano kung ibig kong upahan ang nahuli nang tulad ng upa ko sa iyo? Wala ba akong karapatang gawin ang aking maibigan sa ari-arian ko? O naiinggit ka lang sa aking kabutihang-loob?" Kaya’t ang nahuhuli ay mauuna, at ang nauuna ay mahuhuli.’"


Ang mga kataga ni Jesus ay makabuluhan, "Wala ba akong karapatang gawin ang aking maibigan sa ari-arian ko?" Ang Diyos ay malaya sa pagtawag sa mga tao tungo sa kaligtasan. Kung sino ang tatawagin at kailan tatawagin. Iba’y nasa murang gulang. Ang iba nama’y sa banding huli.

Si San Agustin, sa pamamagitan ng panalangin ng kanyang inang si Sta. Monica ay napagbalik-loob sa bandang huli. Siya’y naging obispo. Isinulat niya ang kuwento ng kanyang buhay. Nangaral siya sa mga sermon na magpahanggang ngayon ay ating nababasa.

Si San Agustin ay halimbawa ng kalayaan ng Diyos na tumawag kaninuman at kailan.

ANG DIYOS

BAKIT

DIYOS

LUMABAS

NANG

NIYA

SI SAN AGUSTIN

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with