Ako ay miyembro ng Pag-IBIG Fund, sa loob ng dalawang taon. Nangangailangan ako ng pera para sa installment sa tuition ng kapatid kong nag-aaral sa kolehiyo.
Puwede po ba akong umutang sa Pag-IBIG upang pansagot sa pangangailangang edukasyon. Maraming salamat. KARISSA P. ng Cainta
Sa kaalaman ng maraming miyembro ng Pag-IBIG Fund, may multi-purpose loan (MPL) na puwedeng gamitin ang mga miyembro sa panahon ng pangangaila- ngang pinansiyal. Ang MPL ay maaaring gamitin para sa pagpapaayos ng bahay at pangangailangang pangkabuhayan, medikal, pang-edukasyon o kayay pambili ng mga kagamitang pambahay.
Upang makapag-apply sa MPL, kinakailangang ang miyembro ay may 24 buwanang kontribusyon at aktibong naghuhulog sa panahon ng loan application. Ang kuwalipikadong miyembro ay makakautang ng 60 porsiyento ng kanyang kabuuang ipon o tinatawag na Total Accumulated Value sa Pag-IBIG Fund.
Ang utang ay papatawan ng interes katumbas ng 10.75% bawat taon. Mababayaran ang utang sa loob ng dalawang taon sa pamamagitan ng salary deduction. Kung sakaling ang miyembrong umutang ay mawalan ng trabaho habang nagbabayad pa lamang ng MPL, maari siyang magbayad ng diretso sa sangay ng Pag-IBIG kung saan siya ay nag-apply ng MPL. Hinihikayat kitang makipag-ugnayan sa iyong Pag-IBIG Branch upang mabilis mong maisumite ang mga requirements sa MPL.