^

PSN Opinyon

Gustong mag-multi-purpose loan

HINDI PA TAPOS ANG LABAN - Mike Defensor -
Dear Sec. Mike Defensor,

Ako ay miyembro ng Pag-IBIG Fund, sa loob ng dalawang taon. Nangangailangan ako ng pera para sa installment sa tuition ng kapatid kong nag-aaral sa kolehiyo.

Puwede po ba akong umutang sa Pag-IBIG upang pansagot sa pangangailangang edukasyon. Maraming salamat. –KARISSA P. ng Cainta

Sa kaalaman ng maraming miyembro ng Pag-IBIG Fund, may multi-purpose loan (MPL) na puwedeng gamitin ang mga miyembro sa panahon ng pangangaila- ngang pinansiyal. Ang MPL ay maaaring gamitin para sa pagpapaayos ng bahay at pangangailangang pangkabuhayan, medikal, pang-edukasyon o kaya’y pambili ng mga kagamitang pambahay.

Upang makapag-apply sa MPL, kinakailangang ang miyembro ay may 24 buwanang kontribusyon at aktibong naghuhulog sa panahon ng loan application. Ang kuwalipikadong miyembro ay makakautang ng 60 porsiyento ng kanyang kabuuang ipon – o tinatawag na Total Accumulated Value sa Pag-IBIG Fund.

Ang utang ay papatawan ng interes katumbas ng 10.75% bawat taon. Mababayaran ang utang sa loob ng dalawang taon sa pamamagitan ng salary deduction. Kung sakaling ang miyembrong umutang ay mawalan ng trabaho habang nagbabayad pa lamang ng MPL, maari siyang magbayad ng diretso sa sangay ng Pag-IBIG kung saan siya ay nag-apply ng MPL. Hinihikayat kitang makipag-ugnayan sa iyong Pag-IBIG Branch upang mabilis mong maisumite ang mga requirements sa MPL.

CAINTA

DEAR SEC

HINIHIKAYAT

IBIG

MABABAYARAN

MARAMING

MIKE DEFENSOR

MPL

PAG

TOTAL ACCUMULATED VALUE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with