^

PSN Opinyon

Dagdag pondo sa Ombudsman

SAPOL - Jarius Bondoc -
MALIMIT makumpara: Nu’ng dekada ’70 tinuring ang Hong Kong na isa sa pinaka-corrupt sa Asya. Ngayon, anang Transparency International, ikalawang pinaka-malinis ang HK. Ang Pilipinas, halos isang dosena nang batas laban sa katiwalian ang ipinasa nu’n pang 1955. Bawat Presidente ay nangakong lilinisin ang burokrasya. Ayon sa TI, ikaapat na pinaka-corrupt ang RP sa Asya.

Simple ang paliwanag ng World Bank: Mas malaki ang budget ng HK kontra sa graft. Sa RP, walang pondo ang corruption watchdog.

Tinatag ng HK ang Independent Commission Against Corruption sa budget na $10 milyon nu’ng 1974, nang ang halaga ng ekonomiya nila ay $16.9 bilyon habang ang RP ay $23.2 bilyon na. Lumaki ang ICAC budget sa $90 (P8 bilyon) nu’ng 2003. Kumbaga, ang per capita (gastos kada tao) kontra graft ay $16 (P825).

Sa RP ang Ombudsman budget nu’ng 2003 ay P481.4 milyon lang. Isama na rito ang P18.6 milyon ng Presidential Anti-Graft Commission at P15 milyon ng Transparency Group ng Malacañang (kasama ang antigraft units sa anim na departamento), ang total ay P515 milyon-o per capita na P8 lang kontra corruption.

Ang burokrasya ng HK ay 150,000 katao lang. Ang ICAC staff ay 1,060, sa ratio na 1:142 civil servants. Sa 1,060 staff, 800 ay imbestigador (ratio na 1:2,000 civil servants), 200 ay sa community relations, at 60 sa corruption prevention.

Sa RP ang burokrasya ay 1.4 milyon katao. Ang pinasamang staff ng Ombudsman, PAGC at TG ay 1,000 lang, o ratio na 1:1,400 civil sevants. Ang pinagsamang imbestigador ng tatlo ay 145 lang, o ratio na 1:10,000.

Sa madaling salita, kulang sa tao at sobra sa trabaho ang antigraft drive sa RP. Kaya pala tinuturing ang corruption na low-risk, high-reward crime. Wala nang natatakot mangurakot, dahil malamang namang hindi makukulong.

ANG PILIPINAS

ASYA

AYON

BAWAT PRESIDENTE

HONG KONG

INDEPENDENT COMMISSION AGAINST CORRUPTION

PRESIDENTIAL ANTI-GRAFT COMMISSION

TRANSPARENCY GROUP

TRANSPARENCY INTERNATIONAL

WORLD BANK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with