^

PSN Opinyon

Tapos na ang 'maliligayang araw' ng Quezon City Assessor

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -
NAALARMA na ang tanggapan ni Civil Service Commission (CSC) Chairperson Karina David hinggil sa kaduda-dudang pagtaas ng bilang ng mga opisyal at kawani ng pamahalaan, umano’y mga bata pa ng isang taon matapos nilang ‘‘madiskubre’’ sa kanilang ‘‘birth certificate’’ o ‘‘baptismal certificate’’ na ipiniprisinta.

Ang mga ito’y nagpapa-extend ng isang taon sa kanilang mga pinanghahawakang puwesto. Hinihiling ng mga ito sa CSC na pahintulutan silang baguhin ang kanilang edad base sa kanilang mga kaduda-dudang dokumento.

Ayon na mismo kay Chairperson David, matapos namin siyang makapanayam sa kanyang tanggapan, lumalabas may ‘‘pattern’’ ang ‘‘estilong’’ ito sa mga opisyal partikular sa Bureau of Internal Revenue (BIR), Bureau of Custom (BOC) at sa iba pang tanggapan na dumadaloy ang pera.

Tukoy na rin ng CSC ang mga rehiyon at mga probinsiyang kung saan napakadali kumuha ng mga birth certificate para sa mga nagpapabatang opisyal.

Tulad halimbawa ni Quezon City Assessor Teofista Pajara, kaduda-dudang pumasa siya sa field office ng CSC at nabigyan siya ng pahintulot ng National Capital Region Civil Service Commission (NCR-CSC) na baguhin ang taon ng kanyang kapanganakan kamakailan.

Base sa mga school records na ginamit ni Pajara mula elementary at college siya’y ipinanganak 1939 maging sa kanyang employment records bilang kawani ng gobyerno.

Ang nakapagtataka, ayon na mismo kay Pajara nalaman niya lang nitong Pebrero taong kasalukuyan, na siya raw pala ay ipinanganak na 1940 base sa kanyang baptismal certificate.

Ito ang ginamit na basehan ni Pajara at walang kahirap- hirap, pinahintulutan siya ng mga tatanga-tangang opisyal ng CSC-NCR na baguhin ang kanyang date of birth na ganun lang kadali.

Sa passport ni Pajara siya’y ipinanganak 1939. Kahit wala siyang birth certificate at wala siyang records sa NSO, tanging school records at employment records ang ginamit niya. Ayon kay David, hindi legal na dokumento ang bap- tismal certificate. Kaya hindi puwedeng uubra ang mga ‘‘palusot’’ ni Pajara.

Nagka-interes si CSC Chairperson Karina David at agad pinahugot ang file ni Pajara mula sa City Personnel ng Lungsod Quezon habang kapanayam namin si David ’nung Miyerkules.

Iniimbestigahan na ngayon ng tanggapan ni David ang kaduda-dudang pag-apruba ng CSC-NCR sa hiling ni Pajara na baguhin ang kanyang edad.

At sa’yo Teofista Pajara, tapos na ang iyong maliligayang araw. Gumuho na ang iyong panaginip diyan sa iyong puwestong hindi mo maiwan-iwanan.

Kung nalusutan mo ang mga tatanga-tanga sa CSC field office at ng CSC-NCR, hindi mo malulusutan ang patibong ni Ben Tulfo sa BITAG!

AYON

BEN TULFO

BUREAU OF CUSTOM

BUREAU OF INTERNAL REVENUE

CHAIRPERSON DAVID

CHAIRPERSON KARINA DAVID

CITY PERSONNEL

CSC

PAJARA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with