Masaklap na karanasan sa Europhil
August 14, 2004 | 12:00am
BAGO ang lahat binabati ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang bagong negosyong binuksan ni Jenny Takeda, ang Trimline Spa, diyan sa may Jerusalem St., Multinational Village, Parañaque City.
Isa ang Europhil sa mga gumagawa ng lahat ng klase ng Mercedes Benz mapamodelo o vintage ay kayang-kaya nilang tirahin.
Ang Europhil ay matatagpuan sa kahabaan ng Superhighway, kanto ng Buendia St. diyan sa Makati City.
Pinadala ng kapamilya ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang kanyang Mercedes Benz C-240 sa Europhil para kumpunihin dahil hindi type ng may-ari ang ride ng kanyang nabiling Chedeng.
Mahigit sa P300,000 ang ibinayad ng kapamilya ng mga kuwago ng ORA MISMO, ng kunin niya ang kanyang Mercedes Benz sa Europhil.
Fifty percent down bago gawin ang sasakyan mo sa Europhil at ang kabuuan ay dapat bayaran bago ito ilabas ng kasa.
Matagal itong ginawa halos isang buwan sa Europhil.
Ok lang ang siningil ng Europhil sa kapamilya ng mga kuwago ng ORA MISMO, walang angal ang huli kahit may kamahalan ang singil, Chedeng kasi ang tsekot kaya alam din nilang mahal ang mga spare parts na papalitan dito.
Matapos gawin ang tsikot may problema na naman daw ang goma nito dahil oblong ang kanan likuran ng tire kung bakit nagkaganito iyan ang hindi maintindihan ng kapamilya ng mga kuwago ng ORA MISMO.
Hindi lang isang gulong ang na oblong kundi nabiyak naman ang kaliwang likuran gulong nito.
Naku ha!
Pero kuntento naman ang kapamilya ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa ginawa ng Europhil sa kanilang tsikot.
Muling dinala ng kapamilya ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang kanilang sasakyan sa Europhil para ma-check ang radio ng sasakyan.
P18,000 ang halaga ng stereo para mapalitan sa Germany pa ito oorderin.
Kapos ang kolum ng Chief Kuwago, sa Martes na lang natin itutuloy ang naging kalbaryo ng owner ng Chedeng, anang Kuwagong Kotong cop.
Mukhang maganda ang istorya ng Chief Kuwago sa Europhil.
Abangan natin, kamote ito.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am