^

PSN Opinyon

EDITORYAL - I-text na ang mga 'buwaya'

-
EKSAKTO ang pagkakabasura sa balak na pagpapataw ng buwis sa text message. Gagamitin na ang text power para maireport ang mga corrupt sa tanggapan ng pamahalaan. At dahil nga hindi na bubuwisan ang text maaaring marami ang mag-text sa Office of the Ombudsman para ireport ang mga corrupt. Ang text power na ideya ng Office of the Ombudsman ay inaasahang dudurog sa mga walang kabusugang "buwaya" na nagpapahirap sa bansang ito. Dahil hindi masawata, ang mga karaniwang mamamayan ang pinipiga ng gobyerno sa kung anu-anong tax para malunasan ang lumulobong budget deficit. Habang pinipiga ang taumbayan, nagpapasasa naman ang mga corrupt.

Sinabi ni Assistant Ombudsman Ernesto Nocos mas madaling mabubuking ang mga anomalya sa tanggapan kung ang text ang gagamitin. Marami raw kasi ang natatakot na mag-report sapagkat baka ma-identify ng ituturong corrupt official. Ayon pa kay Nocos, mas madaling magreport ng mga corrupt kung hindi makikilala ang nagsusumbong. Wala siyang ikatatakot sapagkat nakatago ang identity. Ganito ayon kay Nocos ang magiging senaryo kapag itinext ang mga corrupt. Hindi kailanman makikilala at iyan ang kanilang garantiya. Kasali aniya sa mga dapat isumbong o i-text ang mga government officials na ginagamit sa pangsarili ang mga sasakyang may pulang plaka lalo na kapag nagtutungo sa mga club o bahay aliwan. Siguro’y puwede na ring i-text ang mga pulitiko na nagpapa-escort gaya ng ibinunyag ng isang sexy starlet.

Maraming corrupt sa pamahalaan at maganda ang balak na ito ng Office of the Ombudsman. Kung magkakaroon ng text power laban sa mga "matatakaw na buwaya" baka ito na ang maging wakas ng kani-lang pananamantala. Baka magkaroon na ng katuparan ang lagi nang pangako ni President Arroyo na mawawalis ang mga corrupt. Bilyong piso taun-taon ang nawawala sa kaban ng bansa dahil sa mga corrupt. Ang perang dapat na gagamitin sa pagpapaunlad ng bansa ay sa bulsa lamang nila sumusiyut.

Pero sana’y inilahad din naman ng Office of the Ombudsman ang kahihinatnan sakali at maraming mai-text na "buwaya". Anong parusa ang ipapataw sa mga "buwaya"? Hindi kaya suspensiyon lamang ang ipapataw? Ang hangad ng taumbayan ay makapagdala sa bilangguan ng mga matatakaw na "buwaya". Kung hindi ganito ang kahahantungan, hindi maniniwala ang taumbayan. Lubusan nang mawawalan ng tiwala sa pamahalaang pawang pagbabanta ang nalalaman.

ANONG

ASSISTANT OMBUDSMAN ERNESTO NOCOS

CORRUPT

NOCOS

OFFICE OF THE OMBUDSMAN

PRESIDENT ARROYO

TEXT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with