^

PSN Opinyon

Dalawang anak lang,okey na sa kabataan

SAPOL - Jarius Bondoc -
I-DEBATE man ng Kongreso hanggang magunaw ang mundo ang two-child policy, magulang pa rin ang masusunod. Katawan nila ang pinag-uusapan. Walang ibang makakapasya, kundi sila, sa pagtatalik, pagbubuntis, pag-anak, pagpapalaki, pakain, pagpapaaral, hanggang pagpapamana.

Kung tutuusin, hindi na dapat pagdebatehan ang isyu. Sayang lang ang laway ng mga nagsusulong ng two-child policy at ng mga obispong nagsusulong ng population boom. Batay sa pag-aaral ng UP Population Institute at ng Demographic Research and Development Foundation, okey sa kabataang babae ngayon ang dalawang anak lang. Ayon sa survey nila noon pang 2002, 51% ng babae edad 15-24 ay nagsabing tama na ang dalawa, at 31% ang nagsabing hihinto na sila sa tatlo. Sa madaling salita, ayaw na ng moderno at batang babae ang maging paanaking parang poultry. Lipas na ang panahon ng malalaking pamilya.

Nakumpirma ang mga survey nu’n pang 1988, 1993 at 1998. Nu’ng 1998 sinabi ng 46% ng kabataang babae, hanggang dalawang anak lang; 54% ng may dalawa na ang nagsabing ayaw na nila, mas marami nang 16 percentage points kaysa nu’ng 1988. At 21% ng may tatlong anak ang umamin na ang huling pagbubuntis ay hindi pinlano.

Nitong nakaraang dekada naging mas conscious na ang mga babae sa kanilang katawan. Hindi lang ito tungkol sa pagpapa-sexy, kundi sa kalusugan mismo. Mas mabuti sa babae ang konti at may-espasyong pag-aanak, para hindi gastado ang katawan, at kaya pang magtrabaho at mag-enjoy ng buhay.

Heto pa’ng patunay ng pagkatig sa konting anak lang: Nu’ng 1998, 20% ng babaing edad 40-49, nasa mga huling taon ng pagbubuntis, ay huminto sa dalawa, mas marami ng 15 puntos kaysa 1993.

Pero ang siste: 32% lang ng kabataang lalaki na na-survey nu’ng 2002 ang pabor sa dalawang anak lang; 44% ang sa tatlo. Kasi nga naman, hindi sila ang nagbubuntis, naglilihi, namamaga ang paa, bumubundat ang tiyan, nalalagas ang buhok, at nagpapasuso ng sanggol.

ANAK

AYON

BABAE

BATAY

DEMOGRAPHIC RESEARCH AND DEVELOPMENT FOUNDATION

HETO

KASI

KATAWAN

LANG

POPULATION INSTITUTE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with