^

PSN Opinyon

Pagtutuwid ng kapatid

ALAY - DANGAL - Jose C. Blanco S.J. -
MAYROON ka bang tungkulin kapag nasaksihan mo ang isang kapwa Kristiyano na gumagawa ng mali? Sa palagay ko’y mayroon. Subalit ibinibigay sa atin ng Ebanghelyo ngayon ang mga hakbang na dapat gawin upang maituwid ang isang kapatid na nagkamali. (Mt. 18-15-20)

"Kung magkasala sa iyo ang kapatid mo, puntahan mo siya at kausapin nang sarilinan. Kapag nakinig siya sa iyo, ang pagsasama ninyong magkapatid ay napapanauli mo sa dati at napapanumbalik mo siya sa Ama. Ngunit kung hindi siya makinig sa iyo, magsama ka pa ng isa o dalawang tao upang ang lahat ng pinag-usapan ninyo ay mapatunayan ng dalawa o tatlong saksi. Kung hindi siya makinig sa kanila, sabihin mo ito sa iglesya. At kung hindi pa siya makinig sa iglesya, ituring mo siyang Hentil o isang publikano."


Dito, ang Simbahan ay binigyan ng tungkulin na iharap ang bawat konsensiya sa Diyos. At ang Simbahan ay nagmumula sa bawat indibidwal. Kapag ang isang Kristiyano ay nakakita na ang isang kapatid ay nagkamali, dapat niyang pagsabihan ito. Kapag mapagpakumbabang inako o tinanggap ng nagkamali ang kanyang pagkakasala, napanumbalik ng tao ang nagkamali sa Diyos.

Subalit kapag hindi nakinig ang taong nagkamali, kailangang kumuha ang nakakita ng pagkakamali ng isa pang testigo. Kung hindi pa rin makinig ang taong nagkamali, ang lokal na komunidad na ang gagawa ng kapasyahan. Ang nagkamali ay mapapagbagong-loob kapag siya ay nakinig. At kung siya nama’y patuloy na gagawa ng kalokohan at di-makikinig, siya ay matatanggal sa komunidad.

Ang komunidad ay patuloy namang umaasa sapagkat kapag ipinanalangin nila ang nagkasala, ginagarantiyahan ni Jesus na siya ay nasa sa gitna nila.

Ang prosesong aming tinukoy ay ginawa noong unang panahon ng mga naunang Kristiyano sa Simbahan. Subalit hindi na ito ginagawa ngayon.

DITO

DIYOS

EBANGHELYO

HENTIL

KAPAG

KRISTIYANO

NAGKAMALI

SIMBAHAN

SIYA

SUBALIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with