Katatapos lang mag-utos ang Malacañang na dapat magtipid ang opisina ng gobyerno para makatulong sa lumalaking budget deficit pero iba na agad ang kinilos ng pamunuan ng PTA.
Malinaw na narinig nating kautusan kamakailan na gawin na lang sa Metro Manila ang mga seminars, training, team building at iba pang mga kagayang aktibidades. Pinagbawal ng Malacañang ang pagsasagawa ng mga ganoong pakulo sa out of town, gaya ng Boracay, Clark, Tagaytay, Baguio at iba pang mga tanyag na lugar.
Ang dahilan nito ay upang iwasan ang mga junket dahil alam naman natin na palusot lang ito at ang katotohanan ay pag-eenjoy lang ang ginagawa nila. Okay lang sana kung ang pag-eenjoy nilang ito ay sariling pera ang ginagastos at hindi pera ng gobyerno.
Sa mga ganoong lakad kasi, lahat ay sagot ng gobyerno mula sa sasakyan, pamasahe, gasolina, hotel, pagkain at baka pati pasalubong. Tapos kung gumagamit pa ng cell phones ay charge rin sa opisina.
Kaya laking gulat ko nang binulong sa akin noong Biyernes na nag-adopt ng four day work week itong si Robert Dean Barbers na sinasabi rin ng iba na Prinsipe ng Surigao.
Inalam kong maigi at hindi pala ganoon ang ginawa ni Prinsipe, ang tunay pala niyang ginawa ay magkaroon ng team building exercise sa Batangas ang mga tauhan niya sa naturang opisina.
Siguro naengganyo nang husto ng isang sipsip na opisyal na tinaguriang Totoy Suman na taga-Batangas. Maganda naman talaga ang nasabing lalawigan at masarap naman siguro ang sumang pinamimigay ni Totoy sa kanyang mga dinidiskartehang empleyada ng PTA. Totoy, alam ba ng Misis mo yan, he-he-he!!! Baka mabuking ka, tsaka magkuya na raw kayo ni Tarsier. Sobra naman ang sharing nyo niyan, lahat-lahat na. Kakahiya!
Anyway, bago tayo lumayo nang husto, talagang tiniyak ko at may pinatawag pa ako sa opisina ni Prinsipe, laking gulat ng kasama nating mamamahayag, walang tao roon, as in wala. Lahat nga nasa Batangas, team building nga.
Literal mga kaibigan, walang tao ang naturang opisina. Pinapuntahan ko, walang natira, ewan ko lang kung saan sila nagpunta. Malamang pa naka official trip pa sila kaya wow, malamang extra pay pa. Galing naman talaga, iba talaga.
Eh paano ang kautusan ng Malacañang, sinuway na agad. Tsk! Tsk! Tsk! Bah! Sumusuwag na sa Malacañang, matapang talaga o baka naman iniisip lang na hindi makakarating sa Palasyo.
Kaso Prinsipe, ingat-ingat dahil balita ko alam na ng Palasyo ang mga nangyayari riyan. Pinagmamasdan ka ng mabuti bukod pa ito sa pagmamasid ni Sen. Richard "Dick" Gordon na dating Tourism Secretary. Ang media siyempre kasali rin sa pagbabantay.
Tsaka, mga empleyadong masyado nang inaapi ay tiyak magsusumbong. Parami na rin nang parami ang mga papeles na nakukuha. Huwag ka pasisiguro, balita ko galit na si Madam Gloria tapos eto sumuway pa kaagad. Mas mataas na ba ang Prinsipe ng Surigao sa Reyna ng Bayan? Kayo mga kaibigan ano sa palagay nyo? Text lang sa 09272654341.
Nag-vigil ang ilang mga kasamahan sa trabaho ng biktima at lahat naman sa industriya ng media ay nabahala dahil sa huling pagpaslang na ito. Galit ang lahat at nababahala, kasama na ang inyong lingkod na hindi lang iilang beses napadalhan ng death threat sa text.
Pero ano magagawa ko, ni hindi tayo marunong humawak ng armas kahit na sinuko na ng Philippine National Police ang solusyon sa krimen laban sa media sa pahayag nilang papayagan daw kaming magdala ng baril.
Basta ako, tuloy lang ang krusada laban sa katiwalian. Ilalathala ko at bahala na. PANALANGIN lang ang sagot ko sa pananakot at kahit pagtatangka.
Balik tayo sa ilang mga opisyal ng Bauan, bakit naman nakisakay pa at kunwari ay malungkot kayo. Ang gawin nyo ay hanapin ang salarin, hindi yung kunwari ay nakikidalamhati kayo para lang makunan kayo ng retrato, video o mainterview.
Problema sa inyo, sakay na naman kayo. Napaka-plastic nyo! Style nyo bulok!!!