^

PSN Opinyon

Miyembro ng Viva Hot Babes'Mama Sang' na ngayon

BALITANG SPECIAL - Deo Macalma -
ALAM n’yo bang isa na palang Mama Sang o bugaw ng mga chiching ang isang miyembro ng Viva Hot Babes?

Ayon sa aking bubuwit, happy birthday muna kay Tourism Undersecretary Rolly Reyes, Rep. Roquito Ablan Jr. ng Ilocos Norte; Col. Virgilio Pablo, Sr. Supt. Eduardo Sebastian, Fr. John Parago ng St. Joseph Parish, Editha Gonzaga-Arias at Erwin Tulfo ng ABS-CBN.
* * *
Alam n’yo bang nagbubugaw na pala ngayon ng mga artista at mga batambatang chiching ang isang miyembro ng Viva Hot Babes?

Naku, Mr. Vic del Rosario, mukhang napapabayaan mo na itong Hot Babes na ito at nag-iba na ng linya ng hanapbuhay.

Ayon sa aking bubuwit, mahina na ngayon ang raket ng Sexy Hot Babes kaya naghanap ng ibang sideline.

Kung ikukumpara kasi si Sexy Hot Babes sa mga bagong miyembro ng Viva Hot Babes, medyo natatabunan na ang kanyang beauty.

Kasi may nadagdag na German mestiza sa kanilang grupo, meron pang American mestiza at talaga namang higit na mas magaganda ang hitsura at pigura kumpara sa kanya.

Hindi katulad noong lima pa lang ang miyembro ng Viva Hot Babes, siya ay kasama sa mga sikat.
* * *
Ayon sa aking bubuwit, noong hindi pa masyadong sikat si Sexy Hot Babes siya ay gumigimik na rin. Kung noon ang taripa sa kanya ay P10,000 sa isang short time na aliw, ngayon ay tumaas na ang talent fee.

Maniniwala ba kayong umabot na sa P50,000 ang kanyang bayad?

May kakaibang bisyo kasi si Sexy Hot Babes. Siya pala Mr. Vic del Rosario ay ‘‘bumabatak.’’ Upang matugunan ang kanyang bisyo, bukod sa kanyang pagbebenta ng short time na aliw, siya ay nagbubugaw na rin.
* * *
Ayon sa aking bubuwit, ang mga ibinubugaw ni Sexy Hot Babes bukod sa kanyang sarili ay mga sexy actress at mga bold actress na hindi naman sumikat. Bukod diyan ay meron din siyang ibinubugaw na mga estudyante at mga batam-batang chiching.

Ang Viva Hot Babes na nagbubugaw ng mga chiching ay walang iba kundi si…

Siya ay morena, malaki na rin ang kanyang bumpers matapos magpadagdag at sexy. Siya ay anak ng isang tauhan ng Philippine National Police.

Napabayaan siya ng kanyang mga magulang kaya nabarkada, nag-drugs at napilitan na ring mag-bold hanggang sa magbenta ng panandaliang aliw.

Karamihan pala sa kanyang mga customer ay mga government officials.

Siya ay si Viva Hot Babes Ms. C as in Canton.

AYON

BABES

HOT

KANYANG

MR. VIC

SEXY HOT BABES

SIYA

VIVA HOT BABES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with