^

PSN Opinyon

Senators kampi sa media

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
NATUTUWA ang mga kuwago ng ORA MISMO, kina Senators Manny Villar at Jinggoy Estrada dahil mahal pala nila ang media.

Sina Jinggoy at Manny ay parehong naghain ng panukala para bigyan ng proteksyon ang mga media.

Si Villar, ay nagpanukalang bigyan ng proteksyon ang mga media ng accident at death insurance coverage ng kanilang mga bossing.

Hindi bababa sa P100,000 ang accident at death insurance na gustong ipabigay ni Villar sa mga bossing ng mediamen.

Palakpakan ang mga reporters dito!

Si Jinggoy ay may panukalang gawin murder ang kaso ng mga gagong papatay sa mga mediamen.

Dapat lang ito Senator Jinggoy, salamat sa batas na isusulong mo sa Mataas na Kapulungan ng Kongreso.

Dapat i-fast track ito sa lalong madaling panahon!

Saludo ang mga kuwago ng ORA MISMO sa dalawang senator!

Sunud-sunod kasing pinapatay ng mga gago ang mediamen dahil sa pagbubulgar sa mga katiwalian at kalokohang pinaggagawa ng mga balasubas.

Ngayon 2004, may apat na yatang mediamen ang kinuha ni Lord matapos ratratin ng mga mamamatay tao.

Ang media ang watchdog ng Noypi sa mga katiwaliang ginagawa ng mga taga-gobyerno.

Trabaho lang, walang personalan!

‘‘Bakit ba niraratrat ng mga kamote ang mediamen? Tanong ng kuwagong sepulturero.

‘‘Para hindi mabulgar,’’ sagot ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

‘‘Ngayon may paglalagyan ang mga kamoteng mamamatay tao sa bagong bill na isusulong ni Jinggoy’’ anang kuwagong newsboy.

‘‘Ayos naman ang bill ni Villar pang-pamilya, ika nga.’’

‘‘Sana pumasa agad ito sa Senado sa lalong madaling panahon, kamote.’’

vuukle comment

AYOS

DAPAT

JINGGOY ESTRADA

NGAYON

SENATOR JINGGOY

SENATORS MANNY VILLAR

SI JINGGOY

SI VILLAR

SINA JINGGOY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with