"THE WORK OF A JOURNALIST IS A DANGEROUS TASK."
Itoy ay pinatunayang muli nang sa dalawang magkaibang insidente, mga kapatid namin sa hanap-buhay ay tinambangan at brutal na pinatay.
Sina Arnel Manalo at si Roger Mariano ay walang awang tinadtad ng bala.
Si Manalo basag ang bungo, sabog ang utak. Si Mariano naman ay tinamaan ng ilang ulit sa katawan na halos lahat ng vital organs nito ay may tama ng punlo.
"Journalists do not create the news, we merely report it as we see it. We see a wrong and write about it. We learn of victims of crime and injustice and try to fight for them. We seek the truth and what do we get from all these? A bullet in our bodies."
Nagbitiw na naman ng salita itong si PNP Chief Hermogenes Ebdane, Jr., ng pampalubag loob na salitang "dapat bigyan ng pagkakataong magdala ng armas ang mga journalists." Naku, Gen. Jun Ebdane, tigilan mo na nga kami! Ilang Permit to Carry Firearms Outside Residence ang nakabinbin sa mesa mo? Ni hindi ka na nga pumipirma nito. Pati mga Barangay Captain nagrereklamo na di mo ginagalaw ang mga requests nila.
Now that there is an outcry regarding mediamen being gunned down mag-iissue ka ng ganyan uring statement! Sino niloko mo, ang lolo mo! It is like dangling a carrot in front of a rabbit, so to speak. You broaching this idea is nothing more than paying lip service to us media people.
Ang pagpatay (sunod-sunod) sa mga mediamen at ang panukalang bigyan ng pagkakataon na magdala ng armas ang mga kapatid natin sa hanap-buhay ay agad binatikos ng mga advocates of a gunless society.
Hindi daw baril ang sagot sa problema na dulot din ng baril. Ano ang solusyon kung ganun?
Palawigin daw ang batas at parusa sa mga taong nahuhulihan magdala ng baril. Hindi na rin kailangan ng mas marami pang batas. Kailangan natin ang kasiguruhan na kayang ipatupad ang mga ito.
Bugbog na at mabaho ang isyung ito. Tanungin mo ang ating kapulisan. Kaya ba ninyo na protektahan ang mamamayan, lalo na ngayon na lubhang mahirap ang buhay? Dahil kung ang sagot nyo ay "oo" babalik ko ang tanong sa inyo. "Bakit ang taas pa rin ng criminality rate sa ating bayan? "Bakit problema pa rin natin ang peace and order."
Nakikiisa ako sa sinabi ni Firearms and Explosives Division Chief, Senior Superintendent Arturo Cacdac na ang pagdala ng baril ay maaaring maging "deterrent" sa mga taong may planong masama sa `yo."
May logic ang statement ni Cacdac. Maipagtatanggol mo ang buhay ng iyong pamilya at ang iyong property laban sa mga masasamang tao.
Hindi kaya kung ang pamilya Vizconde ay may baril sa bahay ng pasukin sila iba ang naging takbo ng pangyayari? Hindi rin kaya nagbago o nahinto ang krimen na sinapit ng mga biktima sa Lipa Massacre, Taguig Massacre, Sta. Rosa, Laguna Massacre, Oroquietta Massacre, mga taong pinatay ng walang kalaban laban, kung meron silang baril at pagkakataon makalaban?
Karamihan sa kanila naitampok ng inyong lingkod sa aking pagsusulat at pagsasadula sa telebisyon sa CALVENTO FILES.
Bakit hindi aminin ng ating PNP na talaga naman hindi kayang protektahan ang 83 million Filipinos, ng mga pulis na ang bilang ay mahigit sa 150,000 lamang?
Akoy nangarap rin ng isang lipunan na tahimik kung saan maaring magtipon ang mga mamamayan at ligtas sa panganib. Kung saan ang ating mga anak, pati na rin apo, ay mapayapang makakapamasyal na walang takot na tayoy mahold-up, masaksak, maagawan ng cellphone at tapos patayin pa. Subalit akoy gising na binabangungot ng katotohanan na "we live in a society filled with danger. In a situation where drugged crazed people do grisly and heinous crimes that are unimaginable." Worse, that our law enforcers have become incapable of defending the very people whom they were tasked to do so.
Sa mga kontra sa panukalang bigyan tayo ng pagkakataon na makapagdala ng armas, "naway hindi kayo malagay sa isang madilim at walang taong lugar na kaharap nyo ang isang adik na may patalim, wala sa kanyang sarili at handang patayin ka."
Ngayon, padinig nyo sa akin kung tayong mga mamamayan ay hindi kailangan manandata upang ipagtanggol ang ating sarili at ang ating pamilya.
"Because of the times we are in, carrying a gun has ceased to become a privilege. It is now a necessity."
PARA SA ANUMANG COMMENTS O REACTIONS, MAARI KAYONG TUMAWAG SA 7788442. MAARI DIN KAYONG MAG-TEXT SA 09213263166.
NAIS KONG PASALAMATAN MULI SI JOHN ENDRIGA NG ROCKWELL CINEMA at si MS NELIA MADRILEJOS.