Genuine moral recovery ang susupil sa corruption
August 7, 2004 | 12:00am
DINALAW ako sa aking tanggapan ng presidente ng Manilas Finest Brotherhood Association na si SPO2 Antonio Emmanuel. Nais niyang manawagan sa pamamagitan ng kolum na ito sa ngalan ng kanilang parokya sa Pasay City (Our Lady of the Most Blessed Sacrament Parish) na nagpapagawa ng isang malaking simbahan. Sa pamumuno ng kanilang parish priest na si Fr. Ramon "Jade" Licuanan ay naglunsad sila ng fund raising campaign para sa konstruksyon ng tinatayang P20-milyong simbahan.
Marami sa mga sakop ng parokya ay mga alagad ng batas at guro. Sa mga interesadong mag-donasyon, maaari ninyong personal na dalhin ito sa tanggapan ng parokya sa Kalayaan Village, Brgy. 201 Pasay City o ideposito ito sa Metrobank Acct. no. 7606-50086-2. West Service Road Branch, Pasay City.
Nagagalak ako at aktibo sa mga gawaing pang-simbahan si Mr. Emmanuel na isang kasapi rin ng Knights of Colombus. Napag-usapan namin ang talamak na corruption sa kapulisan at nagkakaisa kami ng paniniwala. Ugat ng katiwalian ang bagsak ng moralidad ng tao. Madalas kasing isisi sa kahirapan ang pag-iral ng kasamaan sa lipunan. Napipilitan daw gumawa ng masama ang tao dahil sa kahirapan.
Pero kung susuriin, ang dahilan kung bakit dahop ang ekonomiya ng bansa ay ang labis na katiwalian ng tao lalo na sa panig ng mga umuugit ng pamahalaan. Para itong isyu tungkol sa, alin ang nauna, ang manok o ang itlog? Ahh, walang pag-asang lumago ang kabuhayan hanggat walang genuine moral recovery sa puso ng bawat tao. Kung magkakaroon ng positibong reporma sa puso ng bawat tao, wala nang magnanakaw at gagawa ng masama, kasunod niyan ang pagsigla ng ating ekonomiya.
Sana, marami pa sa ating mga tagapagpatupad ng batas ang aktibong ma-involved sa mga gawaing pangsimbahan, ano mang relihiyon ang kinasasapian nila dahil itoy simula ng pagkakilala sa Diyos. If we know God, we will fear Him and we will refrain from doing evil.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended