^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Katarungan sa pinatay na journalist

-
PARANG ibong binabaril na lamang ngayon ang mga journalist. Hindi na ligtas ang mga mamamahayag sa bansang ito. At sa kabila na sunud-sunod ang mga pagpatay sa mga journalist, ni isa ay wala man lang nahuhuli sa mga salarin. Patuloy silang gumagala at maaaring nag-aabang pa ng kanilang itutumba. Mahirap maging journalist sa bansang ito sapagkat tila hindi protektado at wala man lang ginagawang hakbang ang pamahalaan para maprotektahan. Kawawa ang mga journalist na bumubulagta dahil sa pagtupad sa tungkulin.

Pinaka-latest na pinatay na mamamahayag si Arnel Manalo, 42, correspondent ng Bulgar at DZRH radio station. Pinagbabaril si Manalo habang nakasakay sa owner-type jeep dakong 7:15 a.m. sa Bgy. Maghinao, Bauan, Batangas. Dalawang lalaking nakasakay sa motorsiklo ang biglang nag-cut sa dadaanan ni Manalo at bigla siyang pinaputukan sa mukha. Kagagaling lamang umano ni Manalo sa school ng dalawang anak. Kasama ni Manalo sa jeep ang kapatid na lalaki nang tambangan. Hindi naman nasugatan ang kapatid ni Manalo.

Sabi ng pulisya maaaring may nasagasaan daw si Manalo sa mga ibinulgar nito sa isang local newspaper kaya pinatay. Sabi ng kapatid ni Manalo, namumukhaan niya ang isa sa mga suspect. Pagkatapos ng pagpatay, walang anumang tumakas ang mga suspects sakay ng motorcycle na walang plaka.

Ang pagpatay kay Manalo ay nangyari apat na araw pagkatapos namang patayin ang isang radio commentator sa Ilocos Norte. Si Manalo ang ikatlong journalist na pinatay sa Southern Tagalog ngayong taong ito at ika-54 naman mula noong 1986. Noong Sabado, pinatay ang broadcaster na si Roger Mariano sa Ilocos Norte. Unang pinatay ngayong taong ito si Polly Pobeda ng Lucena City at sinundan ni Noel Villarante ng Sta. Cruz, Laguna. Ang mga pagpatay na ito hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa nalulutas ng pulisya. Sino pa ang susunod sa kanila?

Pinatatahimik ang mga mamamahayag at isang senyales na hanggang ngayon ay gusto pa ring busalan ang kanilang bibig para hindi maihayag ang kabulukan at katiwalian. Isang malaking hamon sa Arroyo administration ang nangyayaring ito sa mga media workers na parang ibon na binabaril hanggang mamatay. Protektahan sana ng gobyerno ang mga mamamahayag. Ipag-utos na madaliin ang paglutas sa mga kaso at dalhin sa piitan ang mga may kagagawan ng karumal-dumal na pagpatay. Mga duwag lamang ang maaaring makagawa ng pataksil na pagpatay sa mga mamamahayag.

ARNEL MANALO

ILOCOS NORTE

LUCENA CITY

MANALO

NOEL VILLARANTE

NOONG SABADO

POLLY POBEDA

ROGER MARIANO

SABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with