Ganoon ang nasasaad sa Ebanghelyo para sa araw na ito (Mt. 15:21-28).
Umalis doon si Jesus at nagpunta sa lupaing malapit sa Tiro at Sidon. Lumapit sa kanya ang isang Cananeang naninirahan doon at malakas na sinabi, "Panginoon, Anak ni David, mahabag po kayo sa akin! Ang anak kong babae ay inaalihan ng demonyo at masyadong pinahihirapan." Ngunit gaputok many di tumugon si Jesus. At lumapit ang kanyang mga alagad at sinabi sa kanya, "Pagbigyan na nga po ninyo at nang umalis. Siyay nag-iingay at susunud-sunod sa atin." Sumagot si Jesus, "Sa mga tupang naliligaw ng sambahayan ng Israel lamang ako sinugo." Ngunit lumapit sa kanya ang babae, lumuhod sa harapan at ang sabi, "Tulungan po ninyo ako, Panginoon." Sumagot si Jesus, "Hindi dapat kunin ang pagkain ng mga anak upang ihagis sa mga tuta." "Tunay nga po, Panginoon," tugon ng babae, "ngunit ang mga tuta man ay nagsisikain ng mumong nalalaglag sa hapag ng kanilang panginoon." Kaya sinabi sa kanya ni Jesus, "Napakalaki ng iyong pananampalataya! Mangyayari ang hinihiling mo." At noon diy gumaling ang kanyang anak.
Ang babaey hindi sumang-ayon sa tugon na "Hindi" o "Ayaw" ni Jesus. Nais niyang mapagaling ang kanyang anak na babae mula sa pagkakaalipin dito ng demonyo. Ang tugon ni Jesus, sa katunayan, ay isang paanyaya sa babae. Hindi siya isang Israelita. Siya ay isang Cananea. Ang pananalig niya kay Jesus ang dahilan upang siyay maging isang Israelita.
Nang kanyang sinagot si Jesus, "Kahit na ang mga aso ay kumakain ng mga pumatak mula sa hapag ng panginoon," nalaman ni Jesus ang kanyang malaking pananalig. At noon din mismo, nilayasan ng demonyo ang anak na babae ng Cananea.
Tayoy hindi mga Judio. Tayoy mga Pilipino. May pananalig tayo kay Jesus. Bukas tayo sa mga pagpapala ng Diyos. Binuksan ni Jesus ang mga pintuan para sa atin.