Maging responsable sa pagte-text
August 4, 2004 | 12:00am
DUMARAMI ang nagrereklamo na ang cell phone ay ginagamit sa irresponsible texting. May mga mensaheng bastos na ipinapadala sa cell phone. Ang mga green jokes na ito ay dapat na ma-censor. Ginagamit din ang pagte-text sa pagbibiro na may pagkakataong nalalagay sa panganib ang buhay ng pinapadalahan ng mensahe. Sa texting ay nakakapag-operate rin ang illegal gambling. Mag-text ka lang ay makakataya ka na sa jueteng. Laganap ang illegal gambling sa mga paaralan sa pamamagitan ng pagte-text. Ilang kaso na ang natala na may kinalaman sa mga estudyanteng tumataya ng malaking pera sa pustahan ng mananalo sa basketball. Isang sindikato ang nag-ooperate ng gambling na sangkot din ang mga estudyante kaya nga may proposal na ipagbawal ang pagdadala ng cell phones sa mga eskuwelahan.
Ano mang reklamo tungkol sa irresponsible texting ay puwedeng ireport sa National Telecommunications Commissions. Kapag makatanggap kayo ng ganitong mensahe ay i-save ninyo at ipakita sa mga opisyal ng NTC na nag-iimbestiga sa maling gawaing ito. Kapag sobrang masama ang mensahe gaya ng nakakasira sa reputasyon at pagkatao ay puwedeng iutos ng NTC na putulin ang linya ng cell phone ng tiwaling texter.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended